Lisa pov
Hapon na ng matapos ko lahat ng documents dapat pirmahan buti at tinulungan ako ni seulgi kung hindi baka abutin ako hanggang bukas, kamusta na kaya sila jennie hindi ko siya natawagan dahil kailangan ko tapusin lahat ng to para makapunta agad kami sakanila.
"Ok na lahat lisa wala na tayong nakalimutan." Sabi naman ni seulgi
"Sige salamat buti sumama ka, kasi kung hindi baka hanggang bukas binabasa ko yang mga yan." Sabi ko naman sakaniya
Nang maiayos namin lahat ng documents tinawag ko si jeongyeon binilinan ko siya ng kaunti about sa hotel at nagpadala na din ako ng dinner dun sa villa alam ko pagod sila jennie kaya di na sila makakapagluto.
"Ok po miss lisa ipapadala ko nalang po dun yung dinner niyo." Sabi naman jeongyeon
After nun ay bumalik na kami sa villa habang naglalakad kami busy naman kakatext si seulgi.
"Seul bilisan mo naman gusto ko ng puntahan si jennie." Sabi ko sakaniya ang bagal niya kasi maglakad
"Ou na eto na atat ka naman makita si jennie." Reklamo naman niya
"Nakakahiya kasi sabi ko sa parents niya ako bahala sakaniya pero ano to iniwan ko siya kila jisoo." Sabi ko naman
"Hindi naman siya papabayaan nila jisoo saka andun naman sila irene to accompany her." Sagot naman niya
Alam ko naman di talaga siya papabayaan nila jisoo pero vacation namin to dapat nageenjoy kaming dalawa pero iniwan ko lang siya sa mga kaibigan namin si dad may kasalanan neto.
Narating na namin ang villa at agad kami pumasok pero pagpasok namin walang katao tao.
"Asan sila bakit wala sila dito." Pagtatanong ko kay seulgi umakyat kami sa taas pero wala sila sa mga kwarto nila.
"Seul di ba si irene ang katext mo kanina asan daw sila?" Pagtatanong ko ulit sakaniya habang pababa ulit kami sa first floor ng villa
"Sabi niya nakabalik na daw sila kaya akala ko andito na sila." Sagot naman niya
"Tara sa likod baka andun sila." Aya ko sakaniya kaya pumunta kami sa likod ng villa kung saan matatanaw mo ang beach baka kasi andun sila at nanunuod ng sunset.
Pagdating ko dun ay nagulat ako sa nakita ko ano to sino gumawa neto ang ganda nakatulala lang ako sa nakita ko.
"SURPRISE !!!!! HAPPY BIRTHDAY LISAAAA!!!!!!!!!"
sigaw nilang lahat sakin na kinagulat ko naman so sila ang nagayos ng lahat ng to.
"Kayo ba gumawa ng lahat ng to?" Pagtatanong ko sakanila
"Yes lisa at si jennie ang may kagagawan niyan tinulungan lang namin siya." Masayang kwento ni jisoo
Kaya napatingin ako kay jennie habang hawak yung cake habang nakangitin sakin
"Happy birthday lisayaah." Sabi naman niya
"Thankyou jen grabe yung effort na to dapat ako ang gumagawa neto sayo." Pagbibiro ko pa.
"Happy birthday anak." Sabi naman nila mom and dad habang naka video call sa isang ipad.
"Thanks mom thanks dad, may atraso kapa sakin dad pinagtrabaho mo ko maghapon di ko tuloy na samahan si jennie." Pagrereklamo ko sakaniya kaya nagtawanan naman sila.
"Sorry na iha jennie will explain to you everything kung bakit kita pinagtrabaho maghapon, sige enjoy the night magingat kayo jan maaga pa ang flight namin bukas magpapahinga na kami." Sabi naman ni dad