Chapter 31 - Deep talk

246 10 0
                                    

Jennie pov

After namin magdinner nagdecide sila na maginuman tutal naman ay wala daw silang masyadong gagawin bukas kaya naman nagready na sila ng mga inumin ng makapag ready na sila ng mga alak ay dumeretso kami sa sala nila irene at nagsimula na kaming uminum.

"By the way seul, irene napaready ko na yung foods and wines para sa wedding niyo siguro makikipag usap nalang yung staff ko sa wedding planner niyo para sa ibang details." Sabi ni anha nagtataka ko bakit si anha ang kinuha nila na magcater sa wedding nila eh may restaurant din naman sila irene.

"Bakit nga pala si anha ang kinuha niyong cater eh di ba may restaurant kayo irene?" Pagtatanong ni jisoo buti nalang tinanong niya curious din kasi ko.

"Ou nga seul alam ko nga may restau din sila bakit ako ang napili niyo magcater?" Dagdag pa ni anha.

"Actually yun ang unang plano ko but irene said na ayaw niyang mastress yung mom niya dahil mom niya ang head chef ng restaurant nila kaya we decide na kumuha nalang ng iba and dun ko naisip na ikaw ang kunin tutal may bar ka din naman." Pagpapaliwanag ni seul kaya tumango kami.

"Bakit anha ayaw mo ba pwede pa naman kaming kumuha ng iba." Pagbibiro ni irene kay anha kaya nagtawanan kami.

"Ito naman nagtatanong lang saka subukan niyong kumuha ng iba di ako aattend ng kasal niyo." Pagbabanta naman ni anha kaya mas natawa kami.

"How about you byul and solar wala pabang kayong balak magpakasal? Seul and irene is getting married, jisoo and chae is engage I know lisa and jennie is not ready to get married dahil kakaumpisa palang ng relasyon nila, kayong dalawa kailan?" Pagtatanong ni boyo kay byul at solar actually yung relasyon nila ang pinakamatagal samin dahil si seul at irene biglaan ang engagement ganun din si jisoo at chae.

"We already talk about that and we decide na magfocus muna sa mga career namin, I'm busy at the company dahil kakasimula ko lang magtrabaho." Pagpapaliwamag ni byul samin.

"Byul is right and besides I think we're not ready yet about married thing." Sabi naman ni solar

I know silang dalawa din ang magkakatuluyan pero hindi pa siguro ito yung time para pagusapan nila ang about sa kasal alam ko madami pang dapat gawin si byul at ganun din si solar alam ko madami pa siyang gustong gawin at sigurado akong susuportahan siya ni byul dun.

Nagpaalam ako saglit sakanila para pumunta ng cr para icheck yung itchura ko at makapag retouch na din after ko dun ay lumabas na ako pag labas ko nakita ko si boyo na nakatayo sa labas ng cr at naghihintay.

"Oh hi magccr ka ba? You can use now." Sabi ko at aalis na sana ko kaya lang bigla siyang nagsalita.

"Can we talk?" Pagtatanong niya sakin, ano naman kaya paguusapan namin, kahit ayaw ko ay pumayag na ako.

"Ye-yeah sure." Sabi ko at inaya niya ko dito sa may pool area nila irene.

"So ano paguusapan natin?" Pagtatanong ko sakaniya hindi ko kasi alam kung ano gusto niyang pagusapan at medyo kinakabahan din ako, kaibigan siya ni lisa baka mamaya ay ayaw niya sakin para kay lisa.

"I just wanna say sorry." Bigla niyang sabi kaya medyo naguluhan ako saan ba siya nagsosorry.

"For what?" Pagtatanong ko sakaniya

"Earlier, I know na napansin mo na panay tingin ko sainyo ni lisa I'm so sorry for that." Sabi niya

"Its okay." Sagot ko naman.

"Jen thank you for coming to her life." Sabi niya at lumapit ito sakin sabay hawak sa mga kamay ko.

"Lisa is a good person she dont deserve to be hurt, so please dont hurt her instead make her happy everyday, its been a long time since I saw that, the old lisa I know, yung lisa na masayahin na walang sakit na iniinda yung hindi nasasaktan." Pagpapaliwanag niya sakin hindi ko magets kung ano sinasabi niya.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon