Jennie pov
Nagaayos ako ngayon dahil may dinner daw kami kasama ang kaibigan ni mom and dad, matagal na daw kasi silang di nagkikita dahil sa ibang bansa ito nakatira.
Pagbaba ko andun na sila mommy sa sala ako nalang pala inaantay nila kaya umalis agad kami.
Sa isang hotel kami huminto napaka ganda ng hotel, may mga hotel din kami pero mas maganda ito kesa sa mga hotel namin siguro pag mamay ari ito ng kaibigan nila dad.
Pagdating namin doon sa isang vip room kami dumeretso pagpasok namin isang babae at isang lalaki na kaedaran ni mom and dad ang nadatnan namin at agad naman nila kaming sinalubong.
"Mr. Kim your finally here." Sabi nung lalaki at kinamayan si dad
"Anong mr. Kim manahimik ka nga diyan hindi business ang pinunta ko dito hahaha." Patawang sabi ni dad
"Wala kapa din pinagbago palabiro kapa din, teka akala ko kasama niyo ang anak niyo asan siya?" Sabi naman ni mommy at nakipag beso sakanilang dalawa
"Parang di kapa nasanay sa dalawang yan kahit nung college tayo ganyan na sila, pasunod na dito ang anak namin may dinaanan pa kasi siya." Sabi naman nung babae.
Sa pagkakaalam ko magkakaibigan sila apat nung college bestfriend ni dad yung lalaki at bestfriend naman ni mom yung babae.
"By the way this is our only daughter Jennie, jennie sila yung sinasabi namin sayo ng mom mo na matalik namin kaibigan nung college." Pagpapakilala sakin ni dad sakanila
"Hi good evening po tito, tita." Bati ko sakanila at sabay yuko bilang pag galang.
"Napakagandang bata sandra, sa tingin ko magkasing edad lang kayo ng anak ko." sabi naman ng ginoo kaya naman ngumiti lang ako.
After ng naging usapan namin ay naupo na kami, habang inaantay namin iserve samin ang pagkain ay nagkukwentuhan sila.
Habang ako tahimik lang di ako makarelate sa pinaguusapan nila dahil usapan business yung topic nila, sa kalagitnaan ng usapan ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang tao na di ko inaasahan.
"Mom, dad sorry im late sobrang traffic kasi."sabi niya pero di pa niya ko napapansin.
"Its ok iha, alam ko namang may hinatid kapa bago ka pumunta dito hahaha." Sabi ng ginoo sakaniyang anak, sino naman kaya ang hinatid niya aber.
"By the way this is tito henry my bestfriend and this is tita sandra his wife and your mom's bestfriend." Pagpapakilala ng ginoo kila mommy at daddy
"Good eveing po tito, tita its nice to meet you po Im lalisa po." Sabi naman niya at bigla siya napatingin sakin na parang nagulat pa siya.
"Je-jennie?" Nauutal niyang sabi.
Lisa pov
Bakit hindi ko agad siya napansina kanina saka anong ginagawa niya dito teka ibig sabihin anak siya ng kaibigan ni dad.
"Teka iha magkakilala kayo?" Pagtatanong ni mommy.
"Yes po tita actually schoolmate po kaming dalawa at magkaibigan din po kami." Pagpapaliwanag naman ni jennie
"Totoo ba yun iha?" Pagtatanong naman sakin ng daddy niya
"Ah ye-yes po tito." Sagot ko naman
"Tingnan mo nga naman akalain mo magkaibigan din pala ang mga anak natin." Sabi ng mommy ni jennie
"Eh di maganda pala di na namin kayo kailangan ipakilala sa isa't isa " masayang sabi ni dad bakit parang tuwamg tuwa sila.