Chapter 12 - Jennie's House II

394 7 0
                                    

Jennie pov

Ring!!!! Ring!!!!!

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko ang aga aga sino ba tong tumatawag, kinuha ko agad yung cellphone ko para tingnan kung sino yung tumatawag.

📞 Mom Calling!!.....

Pagtingin ko si mommy pala kaya agad kung sinagagot.

"Hello."

📞"Hello jennie sweetie good morning nagising ba kita?" Pagtatanong ni mommy

"Yes mom pero its ok, bakit po pala kayo napatawag?"

📞"Sasabihin ko lang sana sayo na pauwi na kami ngayon ng dad mo." Sabi ni mommy medyo di pa nagprocess sa utak ko yung sinabi niya.

"Ah ok mo- wait uuwi na kayo ni dad as in dito sa philippines?" Napabangon ako bigla akala ko ba sa isang araw pa sila uuwi bakit napaaga ata.

📞"Yes sweetie hahaha actually andito na kami sa sydney dito kasi ang stop over namin mamayang gabi ang lapag namin jan." My ghad bakit di agad nila sinabi

"Mom naman bakit di niyo agad sinabi, ok sige magreready nako dito sa bahay papasundo ko kayo mamaya sa driver natin." Sabi ko kahit kailan talaga ang hilig nila mang gulat

📞"Hahaha sorry iha mabilis kasi natapos yung trabaho ng dad mo."

"Ok mom text niyo sakin yung details ng flight niyo pabalik dito para masabihan ko na yung driver natin."

📞"Alright sige iha, sige na malapit na kaming magboarding see you later sweetie."

"Ok mom ingat kayo, see you." End call

After ng paguusap namin ni mommy bumaba agad ako kakausapin ko si manang para magluto ng pagkain mamayang dinner.

Maaga pa naman so may oras pa kami, mamayang gabi pa naman ang dating nila.

Pagbaba ko sakto nasa dining table si manang nagaayos ng breakfast ko.

"Oh gising kana pala iha kumain kana."sabu ni manang

"Ah salamat po manang, nga pala dadating na po sila dad mamayang gabi pede po ba magluto kayo ng masarap na dinner.?"

"Ah ganun ba sige iha mamalengke muna ko, parang napaaga ata ang uwi nila akala ko ba sa isang araw pa?" Pagtatanong ni manang

"Yun nga din po akala ko, kakatawag lang po kasi sakin ni mommy kaya maaga din ako nagising."

"Ohsige mamalengke nako para makapaglinis pa ko ng bahay pagdating ko." Sabi niya akmang aalis na sana siya ng tinawag ko ulit

"Manang isa pa po pala pakisabi sa driver na susunduin niya po sila dad mamayang gabi." Sabi ko sakaniya at tinangoan lang ako at umalis na.

Pagkaalis ni manang nagsimula na kong kumain, habang kumakain bigla kong naisip yung invitation ng parents ni lisa patay hindi ako makakapunta sakanila.

Nakakahiya sa parents niya kaya lang mas importante sila dad dahil ngayon nalang ulit kami magkikita, di ba mas importante ang future in laws mo? ayan na naman yung isang parte ng isip haiy.

Agad kung kinuha yung cellphone ko para itext si lisa na hindi ako makakapunta sakanila mamayang gabi.

To: Lisa❤❤❤

Goodmorning lisa, I just want to say sorry kasi hindi pala ko makakapunta sa dinner natin mamaya with your parents, my mom called me earlier na pauwi na sila ngayon dito sa pilipinas kailangan ko silang sunduin im so sorry talaga please tell to your mom 😊😊😊 bawi ako next time😘😘

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon