Chapter 11 - Jennie's House

420 7 0
                                    

Jennie pov

Halong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon, sinabi kasi sakin ni lisa na iniinvite ako ng parents niya bukas para magdinner sa bahay nila.

Haiy bahala na nga kung pano ko sila haharapin bukas.

"Hey jennie bakit tulala ka jan?" Pagtatanung sakin ni chaeng.

"Ah wala may iniisip lang ako." Sabi ko

Andito kasi sila ngayon sa bahay namin, weekend kasi ngayon kaya naisipan nila tumambay dito sa bahay at damayan na din si irene sa problema niya.

Matapos kasi niyang ikwento samin ni lisa ang problema nila ni seulgi sinabi agad namin sa barkada ang nangyari at gulat na gulat sila.

Nalungkot kami para kay irene inamin niya kasi samin kung gaano niya kagusto si seulgi kaya lang wala siyang magawa.

Flash back

"Gustong gusto ko si seulgi pero di ko alam kung pano ko tututol sa kasal nila ng kapatid ko." Sabi niya habang umiiyak

Niyakap ko lang siya habang si lisa nakatingin lang samin.

"Hindi ko kaya jen, galit sakin si seulgi kasi ni hindi ko man lang daw siya ipinaglaban, gustong gusto kong lumaban pero di ko magawa."

"I know irene pero bakit di muna kayo magusap ni seulgi baka masolusyonan niyo pa to." Sabi ko kay irene

"Jennie is right irene, magusap muna kayo ni seul." Dagdag naman ni lisa

"Hindi na guys last time na nagusap kami nagaway lang kami, ok na din to para hinddi na kami lalo mahirapan."

End of flash back

Wala na kaming nagawa ni lisa kundi hayaan si irene sa gusto niya after nun hinatid na namin si irene sakanila.

"Si lisa na naman iniisip mo no?" Biglang sabi ni solar

"Hindi no."pagtatanggi ko sakaniya ayokong ikwento sakanila yung pag invite sakin ng parents ni lisa for sure aasarin lang nila ko.

"Ano na balak mo bae? Hahayaan mo nalang makasal si seul sa ate mo?" Pagtatanung ni chaeng.

"Irene dapat hindi ka pumayag, unang una ikaw ang nauna sa kasunduan na yan dapat kayo ni seulgi ang ikasal hindi sila ng ate mo." Dagdag pa ni solar

"Hindi nako pwede tumutol sa kasal nila, kahit anong gawin ko pagmamakaawa kay dad hindi niya ko papakinggan mas mahalaga sakanila ang family tradition kesa ang mararamdaman ko." Malungkot na sabi ni irene

"Pero irene nagusap na ba ulit kayo ni seul?" Pagtatanong ko kay irene pero umiling lang siya.

Hindi namin alam pano namin matutulungan si irene sa problema niya.

Pinipilit ni chaeng at solar si irene nakausapin si seul pero ayaw talaga niya haiy. Maya maya sa kalagitnaan ng paguusap namin biglang may nagdoorbell.

"Sino yun jen, may inaasahan ka bang bisita?" Pagtatanung ni chaeng

"Wala kayo lang bisita ko, wait papacheck ko kay yaya." Sabi ko at tinawag ko yung isang kasambahay namin para tingnan kung sino yung nagdoorbell.

Ilang sandali pa pumasok na si yaya at tinanung ko.

"Ate sino yung nagdoorbell?"

"Si miss lisa po kasama po yung mga kaibigan niya pinapasok ko na po sila." Sabi ni yaya kaya naman nagkatinginan kami nilang chaeng at solar.

"Sige ate salamat." Sabi ko sa kasambahay namin.

Pagkaalis ni yaya pumasok na sila lisa ang ingay nila parang nagtatalo sila.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon