Lisa pov
Hinayaan ko nalang matulog si jennie buong byahe medyo madami din kasi siyang nainum kaya alam ko gusto na niya magpahinga, ilang sandali pa nakarating na kami sa bahay niya ginising ko muna siya bago kami bumaba. "Hey jennie wake up were here."
Pero mukhang nahimbing tulog niya kaya ginising ko ulit siya maya maya pa nagising na siya. "Andito na tayo tara pasok kana sa loob para makapag pahinga kana."
"Matagal mo ba kong ginigising? Sorry ha."
"Hindi naman sandali lang." Ngumiti naman siya, pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan makababa sa kotse ko.
Hinatid ko na siya hanggang sa gate nila. "Ah lisa salamat sa paghatid naabala pa kita gusto mo ba pumasok para makapag coffee muna." Tanong niya sakin.
"Ah hindi na sa susunod nalang late na din kasi may pasok pa tayo bukas, saka ok lang di din naman ako papayag na magtaxi ka." Gusto ko pa sana magstay kaya lang late na din at baka gusto na niya magpahinga.
"So pano mauna nako magpahinga kana good night."
"Good night ingat ka sa pagdidrive." Sabi niya habang nakangiti. Haiy ayan na naman yung ngiti niya na yan
"Sige pasok kana."
Pagkapasok niya sumakay nako sa kotse ko at umuwi na sa condo, di naman ganon kalayo yung condo ko kaya nakarating agad ako pagpasok ko sa condo hinagis ko lang sa sofa yung mga gamit ko at naligo na after nun nahiga nako para matulog maaga pa ko gigising bukas.
Jennie pov
Andito ko ngayon sa school tinatapos na kasi namin yung project namin kasi malapit na ang dedline neto malapit na din ang graduation namin. 1week na ang nakalipas nung nagbar kami after nun di na kami nagkita ni lisa siguro busy din siya parehas kasi kaming graduating.
After ko makilala si lisa nawala na yung pagkainis ko sakaniya, hindi din naman niya kasi sinasadya yung nangyari ewan ko ba pero after nung paguusap namin sa bar at yung paghatid niya sakin sa bahay lagi ko na siyang iniisip hindi ko alam kung anong nangyayari sakin haiy🤦♀️🤦♀️🤦♀️ napatigil ako sa pagiisip ng tumutog yung phone ko tiningnan ko kung sino yung tumatawag its solar ano na naman kaya kailangan ng babaeng to.
📞 "Hello!!"
📞 "Oh bakit parang ang init ng ulo mo?"
📞 "Hindi pagod lang ako, bakit ka ba napatawag?" Walang gana kong sagot totoo naman pagod na pagod na katawan lupa ko sa dami ng kailangan ipasa.
📞 "Andito kami sa cafe aayain ka sana namin kumain ikaw nalang wala dito asan ka ba?" Tumingin ako sa orasan past 12 na pala di ko na namalayan yung oras di pa ko naglalunch.
📞 "Andito ko sa class room namin, sige punta ko jan patapos na din naman kami hintayin niyo ko."
📞 "Sige order kana namin ng pagkain."
📞 "Sige.." binaba ko na yung phone ko at inayos mga gamit ko nagpaalam nako sa mga groupmates ko konti nalang naman yung aayusin kaya pinauna na nila ko.
Paglabas ko ng class room dumeretso nako sa cafe malapit lang naman kasi sa building namin yun kaya nakarating agad ako, pagpasok ko sa loob nakita ko agad yung tatlo naguusap sila.
"Tagal mo.. here kumain kana." Sabi ni solar sabay abot ng pagkain.
"Sabi na nalibang kana naman sa oras, buti pala pinatawagan kita kay solar." Sabi ni irene pagsobrang busy ko kasi di ko namamalayan yung oras kaya lagi niya kong pinapaalalahanan.
"Kailangan na kasi matapos yung project namin malapit na dedline nun." Sabi ko sakanila habang kumakain
"Nga pala jen kamusta nga pala paghatid sayo ni lisa after natin magbar di kana namin natanong dahil apaka busy natin." Napatigil ako sa pagkain nung tinanong ako ni chaeng, totoo naman after nung gabing yun di na namin napagusapan akala ko nga nakalimutan na nila.