Chapter 7 - Co-owner

380 9 0
                                    

Jennie pov

Andito kami ngayon sa kotse ni lisa papunta kami sa bar nila anha nagaya kasi sila magbar kasi wala naman na daw gagawin dahil naipasa na lahat ng projects at thesis namin graduation nalang talaga ang inaantay. Hindi naman ganun ka layo yung bar ni anha kaya nakarating agad kami.

"Andito na tayo tara." Sabi ni lisa nauna siya bumaba para pagbuksan ako ng pinto.

"Thankyou."sabi ko sakaniya sabay ngiti

Pumasok na kami sa bar pagpasok namin medyo madami na din tao, pumunta agad kami sa second floor netong bar kung saan kami dati nakapwesto alam ko nakareserve na yun para sakanilang apat dahil lagi sila dito.

"Ayan na pala yung dalawa." Sabi ni jisoo

"Sorry na late kami, umorder na kayo?" Pagtatanong ni loui sakanila.

"Ou nakaorder na kami, andito kanina si anha hinahanap ka sabi namin papunta kana." Sabi naman ni byul

Tumango naman si lisa, habang inaantay yung order namin nagsimula na naman silang mang asar namin dalawa.

Hindi talaga nila kami tinitigilan masyado nilang binibigyan ng kahulugan yung biglang pagiging close namin ni lisa.

"So ano hindi talaga kayo magkukwento?" Sabi ni chaeng

"Wala nga kaming ikukwento." Sabi ko nakakairita na kasi.

"Bakit may bulalak kanina?" Nakangiting tanong ni solar

"Gusto lang niya kung bigyan di ba sabi niya."

"Tigilan niyo na yung dalawa malalaman din naman natin yan hintayin nalang natin." Sabi ni jisoo habang nakangiti

"Let see hahaha." Patawang sabi ni seulgi

Hindi talaga good idea na magkakasama ang mga kaibigan ko at kaibigan ni lisa haiy.

Ilang sandali pa dumating na yung order namin ang dami nilang inorder na alak parang last day na nila iinum.

"Parang na pasobra naman ata ang inorder niyo?" Takang tanong ni lisa.

"Ou nga parang last day niyo na iinum."sabi habang gulat pa din ako sa mga alak na nasa harapan ko.

"Ok lang yan advance celebration na to kasi gagraduate na tayo 😁😁😁." Seulgi

Haiy feeling ko di namin to mauubos weh pede naman kasing umorder ulit.

"Dont drink to much magdidrive kapa." Pabulong kong sabi kay lisa.

"Yeah wag ka magalala alalay lang ako paginum and besides ihahatid pa kita di ba?"

"Sigurado ka ba ihahatid mo ko pede naman ako magpasundo dito."

"No ako maghahatid sayo maaabala pa driver niyo, saka on the way lang naman sa condo ko." Sabi niya sabay ngiti.

"Ok sige." Sabi ko hindi nako nakipagtalo kasi di naman ako mananalo sakaniya.

"Are you sure na ok lang magpagabi ka?" Pagaalala niyang tanong

"Ok lang wala din naman ako gagawin bukas, saka natapos ko na lahat ng gagawain ko sa school."

"Ok sige lets enjoy this night." Sabi niya habang nakangiti at inabutan ako ng alak.

Ayoko masyadong uminum ngayon mahirap gumising sa umaga, habang uminum kami nagsisimula na din magkulitan ang mga kaibigan namin buti nawala na atensyon nila samin.

Pero ang atensyon ko nabaling kay irene kanina pa siya tahimik pagdating namin dito ano kayang problema neto.

"Hey irene are you ok?" Pagtatanong ko sakaniya pero kaming dalawa lang ang nakakarinig magkatabi kasi kaming dalawa.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon