Chapter 51 - Thailand

214 5 0
                                    

Jennie pov

"Hon ibababa ko na lahat ng gamit natin para maiayos ko na sa compartment ng kotse, sure ka na wala kanang nakalimutan ilagay dito?." Pagtatanong ni lisa at kinuha yung dalawang maleta dito sa kwarto namin para ibaba.

"Yeah, nailagay ko na lahat dont worry." Sabi ko sakaniya at tumango ito at agad lumabas ng kwarto at ako naman ay pinagpatuloy ko ang pagaayos ko.

Mamayang 1pm pa naman ang flight namin pero maaga kami nagayos ni lisa dahil dadaan pa daw siya sa opisa bago kami umalis.

I know she's excited to go home dahil matagal daw siyang hindi nakabisita doon, after kasi ng graduation namin ay nagsimula na siyang magtrabaho sa company nila kaya hindi na siya nakabisita sa thailand.

After ko magayos ay kinuha ko na ang personal bag ko I also checked kung andito na ba lahat ng kailangan namin specially our passport ng masigurado kong ok na lahat ay lumabas nako ng kwarto.

Paglabas ko dun ay andun na pala lisa at inaantay ako nito habang busy sa cellphone niya kaya agad ko naman itong nilapitan.

"Lets go hon baka matraffic pa tayo." Sabi ko dito at niyakap ako, this past few days ay nagiging malambing siya sakin, she's sweet before pero mas naging sweet lang siya ngayon.

"Lets enjoy our vacation ok?" Sabi nito sakin habang nakangiti at tinanguan ko naman siya sabay ngiti, after that ay lumabas na kami ng unit niya para bumaba sa parking lot.

Pagdating namin dun ay pinagbuksan niya muna ko ng kotse ng makasakay ako ay agad din siyang sumakay sa driver's seat at pinaandar ang kotse niya at umalis.

"Hon did you inform your parents na magbabakasyon tayo dun?" Pagtatanong ko sakaniya habang magmamaneho ito.

"No, I didn't inform them, I want to surprise them specially mom I know she misses me so much." Sabi nito habang at ngitian ako kaya naman natawa nalang ako ang hilig niya talagang surpresahin si tita.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami ng opisina niya, agad kaming pumasok sa loob ng building, pagpasok namin ay binati kami ng mga empleyado niya na nakakasalubong namin.

Pagdating namin sa opisina niya ay agad naman kaming sinalubong ni wendy her secretary..

"Good Morning Ms. Manoban, Ms. Kim." Bati samin nito.

"Good Morning." Bati din sakaniya ni lisa at ako naman ay ngitian siya, dumeretso kami sa loob ng opisina ni lisa kasunod namin si wendy.

"Ms. Manoban ito na po yung report na pipirmahan niyo." Sabi ni wendy at inabot kay lisa ang folder at agad naman pinirmahan ito ni lisa.

"Tell minnie next time sundin niya yung dedline na binigay sakaniya kung kailan ako paalis saka niya papapirmahan yan." Inis na sabi ni lisa kay wendy, minnie is the vice president of their company and I know that she is lisa's cousin and I met her before.

"Yes po Ms. Manoban pasensiya na po kayo madami po kasing inaasikaso si Ms. Minnie kaya po ngayon lang niya naibigay ito." Paghingi naman ng paumanhin ni wendy.

"Its ok wendy sanay nako sa pinsan ko na yan, tell her na siya na ang bahala dito at wag kamo siyang gagawa ng kalokohan habang wala ako." Pagbibilin naman ni lisa kay wendy at tumango naman ito.

Nagbilin din siya kay wendy ng mga dapat gawin dito sa opisina after nila magusap ay agad kaming nagpaalam kay wendy at dumeretso na sa airport.

"My cousin give me a headache, alam niya na paalis ako tapos saka niya sasabihin na kailangan ng pirmahan yung report na yun." Pagrereklamo nito sakin kaya natawa nalang ako, palagi kasi silang nagbabangayan na magpinsan everytime na magkikita sa sila sa opisina niya.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon