Chapter 24 - Dinner with Parks

364 8 0
                                    

Lisa pov

Nagising ako ng maaga pero pag mulat ko wala na si jennie sa tabi ko umuwi na kaya siya? Hindi man lang niya ko ginising para ihatid siya.

Bumangon agad ako at nagpunta sa cr para maghilamos after ko dun ay pumunta nako sa kitchen para magready ng kakainin ko hindi pa man din ako nakakalabas ng kwarto ay may narinig nakong ingay.

"Ano kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Paglabas ko sa kwarto naabutan ko si jennie na nagreready na ng breakfast, ang aga naman niyang nagising 6am palang nilipitan ko agad siya ng di niya nalalaman dahil nakatalikod ito.

"Hey good morning." Bati ko sakaniya habang yakap ko siya mula sa likod kung ganito ba naman bubungad sakin tuwing umaga sisipagin ako bumangon.

"Good morning umupo kana dun matatapos nako dito, sorry pinakialaman ko na tong kitchen mo." Sabi naman niya habang inaayos yung mga niluto niyang almusal.

"Its ok, akala ko umuwi kana nagising kasi ko ng wala ka sa tabi ko." Sabi ko at naupo na para kumain nilagay na din niya sa lamesa yung mga niluto niya mukang masarap simpleng fried rice, egg, bacon, at hotdog ang niluto niya pinagtimpla na din niya ko ng coffee after nun ay naupo na siya sa tabi ko.

"Maaga kasi ko nagising tapos naalala ko may pasok ka kaya nagready nako ng breakfast, anyway what time pala ang pasok mo?" Pagtatanong niya sakin habang pinagsasalin ako ng pagkain sa pinggan.

"8am pa naman ang pasok ko sa opisina pero ihahatid muna kita bago pumasok or gusto mo magstay dito sa condo?" Pagtatanong ko sakaniya just in case na ayaw pa niya umuwi ibinigay ko na din sakaniya ang extra key card at passcode ng unit ko if ever na gusto niya magstay dito.

"Hindi na uuwi na ko baka magtaka sila manang dahil kagabi pa ko hindi umuuwi."sabi naman niya kaya hinayaan ko na.

"Ok if thats what you want but if you change your mind pwede ka magstay dito kahit wala ako." sabi ko naman sakniya at tumango naman siya after namin makakain ay niligpit na niya yung pinagkainan namin hindi na niya ko hinayaan na tulungan siya para daw makapag ready na ko papasok sa opisina.

Pagpasok ko sa kwarto ay dumeretso agad ako sa banyo para maligo after ko maligo ay lumabas ako at nagtungo agad ako sa closet ko pero bago pa ko makarating dun ay nakita kong may nakahanda ng damit sa kama ko kaya agad kong nilapitan ito at kinuha si jennie siguro ang nagready neto sabi ko sa sarili ko at napangiti napaka swerte ko naman sakaniya.

Nang makapag ayos ako ay lumabas na ko sa kwarto at nadatnan ko si jennie na nakaupo sa sofa habang chenecheck niya yung cellphone niya.

"Hey im done lets go?" Sabi ko sakaniya at tumayo naman siya palapit sakin para ayusin ang necktie ko.

"There you go ayos na siya lets go ." Sabi niya sakin at nagalakad na kami palabas ng unit ko habang hawak ko ang kamay niya at sakabila naman ay ang office bag ko.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinagbuksan ko agad siya ng pinto ng sasakyan ng masigurado ko ng nakasakay siya ay sumakay na din ako sa driver seat at pinaandar ito.

Hindi naman ganun kalayo ang bahay niya kaya naihatid ko agad siya sa bahay nila.

"Lisa thankyou sa pag hatid ingat ka sa pagdidrive." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko hindi na niya ko pinababa ng sasakyan dahil baka daw matraffic ako ng makababa siya ay nagpaalam nako at dumeretso sa company.

Nang makarating ako sa company ay pumasok agad ako ng pagdating ko sa mismong office ko na dating office din ni dad ay binati agad ako ng secretary ko.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon