Chapter 43 - Lied

209 5 0
                                    

Lisa pov

"Tok tok tok!!!!"

"Come in." Sabi ko dahil biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko pagbukas nito ay pumasok si wendy.

"Ms. Manoban may papapirmahan lang po ako." Sabi nito sakin at lumapit.

"Ok." Sabi ko sakaniya at inabot sakin yung folder na hawak niya.

After ko mapirmahan iyon ay lumabas na ulit si wendy pero hindi pa niya naisasara ang pinto ng bumukas ito siguro ay may nakalimutan itong sabihin.

"Hey dude ang busy mo naman." Sabi nung nagsalita at tiningnan ko naman ito.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok sa opisina mo?" Pagtatanong ko dito at naupo ito sa harap ko.

"Meron akong client meeting near here kaya binisita na din kita saka ilang araw kanang di nagpapakita samin wala na nga si seulgi tapos ikaw di kapa mahagilap, ganyan ba talaga pag kasama mo na ang girlfriend mo sa condo mo." Pagbibiro sakin nito kaya naman binato ko siya ng ballpen totoo naman kasi ilang araw nakong hindi nagpapakita sakanila.

Busy kasi ako sa hotel pinaparush na kasi sakin ni dad ang pagrerenovate nun para umabot sa anniversary ng company dahil dun niya kasi balak ganapin ang anniversary party ng company.

"Alam niyo naman na madami akong inaasikaso kailangan ng matapos ang renovation ng hotel." Sabi ko dito.

"Alright, aalis na ko baka naiistorbo na kita dumaan lang talaga ko para kamustahin ka, pag free ka naman puntahan mo kami sa bar ni anha nakakatampo kana puro si jennie nalang inaasikaso mo." Pabiro nitong sabi sakin at natawa naman ako.

"Alright, tatawagan ko kayo." Sabi ko sakaniya.

"By the way, ang ganda ng secretary mo single ba yun?" Pagtatanong sakin nito at napailing nalang ako wala talagang ligtas sa mga mata nito.


"Kung tawagan ko kaya si solar." Simpleng sagot ko dito at tila kinabahan naman ito.

"Ito naman di mabiro sige na aalis nako." Pagpapaalam sakin ni byul at tuluyan na nga itong umalis at napailing nalang ako.

Mabilis lumipas ang oras hindi ko na namalayan na hapon na pala, agad ko namang inayos ang mga gamit ko para makauwi na chineck ko muna ang cellphone ko kung may text o tawag ba si jennie pero pag tingin ko ay wala na pinagtaka ko naman.

Nang nakapag ayos ako ay lumabas nako ng opisina ko paglabas ko ay nagpaalam na agad ako kay wendy at umalis na.

Pagdating ko sa condo building ko ay agad akong nagpark at bumaba ng sasakyan siguro nagtatampo na sakin si jennie dahil ang aga ko umalis kanina tapos hindi ko pa siya natawagan dahil ang daming pinapagawa sakin ni dad.

Nasa tapat nako ng unit ko at agad ko namang binuksan ang pinto pagpasok ko ay sobrang tahimik ng condo kaya agad ko namang hinanap si jennie.

"Hon, I'm here." Sabi ko pero walang sumasagot pumunta ko sa kusina pero wala siya dun kaya naman pumunta nako sa kwarto dahil baka andun siya.

"Hon are you there?" Sabi ko pero pagpasok ko ay wala din siya, nagtungo naman ako sa banyo at walk in closet ko pero wala din tao.

"Asan kaya siya." Pagtatanong ko sa sarili ko, this is the first time na hindi siya nagpaalam sakin kaya naman tinawagan ko siya dahil nagaalala ko.

Idialed her number pero hindi niya sinasagot medyo kinakabahan na din ako kaya naman tinawagan ko sila chae at solar kung kasama ba nila ito but they said hindi daw kahit si anha ay tinawagan ko din pero ang sabi niya ay hindi naman dumadalaw sakaniya si jennie medyo masama na ang kutob ko kaya naman tinawagan ko ulit siya maya maya pa ay sinagot na din niya.

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon