Lisa pov
Ringgg.....!!!!!! Nagising ako sa pagtunog ng alarm clock 7am na pala. Haiy nakakatamad bumangon ang aga ng pasok ko. After 5mins bumangon na ko para magready sa pag pasok sa school 8am pa naman pasok kaya may oras pa ko magayos after 20mins nakapag ayos nako.
"Lalisa bumaba kana may pasok kapa nakahain na yung almusal mo." si yaya Lalisa Manoban ang buong pangalan ko pero lisa kung tawagin ako ng mga kaibigan ko.
"Ayan na po bababa na." Sa totoo lang parents ko lang ang tumatawag ng lisa sakin at si yaya magisa lang ako dito sa pilipinas si yaya lang ang kasama ko sa bahay nasa ibang bansa ang mga magulang ko dahil sa negosyo namin. Well isa sa pinakamayaman sa buong mundo ang pamilya ko kaya di na katakataka.
Bumaba nako para magbreakfast pagdating ko doon nagaayos na si yaya. "Oh ayan kana pala maupo kana lalisa." Umupo nako para kumain actually hindi ako sanay kumain magisa kaya lagi kung sinasabi kay yaya na sasabayan niya ko kumain.
"Ikaw yah di ka ba kakain?" Tanung ko sakaniya "mauna kana iha mamaya nako." After ko kumain nagayos nako para pumasok " yah alis na po ako." Paalam ko kay yaya " sige iha magiingat sa pagdidrive"
Pinag buksan ako ng gate nag guard may driver naman kami kaso ayoko mag pa drive hindi naman na ako bata para magpahatid and besides marunong naman ako magdrive.
After 30mins nakarating nako sa school. Pagbaba ko palang sa sasakyan nakita ko na si seulgi kaibigan ko siya since high school kaya matagal na kaming magkaibigan tumakbo ako palapit sakaniya.
"Oh lisa ang aga mo naman ata ngayon." Bungad niya sakin "maaga naman talaga ko pumapasok traffic lang talaga minsan kaya nalalate ako" sabi ko sakaniya.
"Sus ang sabihin mo nageemote kapa sa kwarto mo bago ka pumasok HAHAHA." Ang sama ng tingin ko sakaniya actually alam niya kung anong nangyari sakin dati.
"Aray!! Masakit ha." Binatukan ko siya. " umagang umaga wag mo kung simulan tara na baka andun na yung mangkukulam nating prof terror pa naman yun." Kayag ko sakaniya.
Pag pasok namin sa classroom andun na yung dalawa si moonbyul at jisoo " oh ayan na pala kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap." Bungad ni jisoo samin, si jisoo ang pinaka masipag samin magaral di naman ako tamad pero kumpara sakaniya haiy, nagagalit siya pag nalalate kami or nag skip ng klase ayaw daw niya kasi magisa lang siya gagraduate.
"Ou nga ang tagal niyo si jisoo di mapakali kanina pa siya dial ng dial sa phone niya para tawagan kayo."natatawang sabi ni byul
"eh kasi naman nagemote pa si lisa sa kwarto niya kaya ayan." Banat ni seulgi.. " hoy seulgi tigilan mo nga ako." Si seulgi talaga ang pinaka malakas mang asar samin apat pero pag siya inasar mo akala mo nalugi.
"Oh tama na yan maupo na kayo ayan na prof natin." Awat ni byul saming dalawa.
After 1hour natapos na 1st class namin. " haiy wala akong naintindihan sa tinuro ni mam." Banat ni seulgi " eh pano naman kasi di ka naka focus sa lesson natin kaya pano mo maiintidihan." Sermon ni jisoo sakaniya, tamad kasi magaral si seulgi kaya lagi siyang sinasabihan ni jisoo haiy poor seulgi.
"Oh saan tayo ngayon?" Tanung ni byul "tara sa tambayan mamaya pa naman susunod na claas natin" aya ko sakanila wala naman kami ibang pupuntahan weh.
Papunta na kami sa tambayan ng biglang may bumonggo sakin muntik na siya mabuwal buti nasalo ko. "aray!!! Ano ba magiingat ka naman tingnan mo yung nilalakaran mo." Sabi nung babae na nabunggo ko inalalayan ko siya at binitawan.
"Sorry miss di kasi kita napansin." Grabe ang ganda niya kaya lang mataray.
"Ano kala mo sakin unano di mo ko napansin. Next time tingnan mo nilalakaran mo." Angil niya sakin ang ganda niya lalo pag nagagalit.