Chapter 6 - Nothing

391 9 2
                                    

Jennie

Pagpasok ko sa class room nakita ko yung tatlo nakangiti sakin oh shit tiyak nakita nila na kasama ko si lisa at for sure pagtitripan na naman nila ko haiy bakit ba di ko naisip na maaga sila pumasok.

"Di ba si lisa yun? Bakit magkasama kayo?" Tanong sakin ni irene

"Wag mong sabihin na hinatid ka niya dito? At san galing yang mga bulaklak mo aber?" Tanung din ni chaeng na nakangiti ng nakakaloko

"Meron ba kaming di alam madam ruby jane?" Solar habang pataas taas pa ang kilay niya.

Ayan na sila nagumpisa ng magtatanong jennie explain mo na kasi di ka naman titigilan ng mga kaibigan mong baliw. Huminga muna ko ng malalim at tingnan sila.

"What jennie spill it." Pagmamaktol ni chaeng

"Ok fine sasabihin ko na apurado naman kayo." Sabi ko habang nakatingin sakanila

"Pabitin ka kasi sakit mo sa puson." Sabi ni solar kaya bunatukan ko siya

"Aray ha!!" Angal niya

"Tama na nga yan kwento na jennie" irene

"Ganito kasi yun kahapon nung umuwi na kayo naiwan kami nila jisoo seulgi at lisa, uuwi na sana ko kaya lang pinigilan nila kong tatlo nung nalaman nilang wala akong dalang sasakyan, sabi ni jisoo sumabay na daw ako kay lisa kasi delikado nga daw." Pagpapaliwanag ko naman habang nakikinig sila pero parang mga ewan na pinipigil ang ngiti haiy

"Tapos?" Chaeng apurado talaga tong babae na to.

"Ininsist ni lisa na ihatid ako kasi may utang daw akong coffee sakaniya kaya ayun pumayag nako."

"So nagstay pala siya sainyo kagabi, nagcoffee lang ba talaga siya sainyo?" Pagtatanong ni solar ano pa ba dapat naming gawin?

"Ou nagcoffee lang siya after kasi nun tumawag yung mom niya kaya nagpaalam na din siya." Sabi ko di ko na binanggit na nagtagal si lisa dun dahil kukulitin lang nila ko. Alam ko iniisip nila.

"Eh pano ka naman niya naihatid dito?" Pagtatanung ni irene.

"Kagabi kasi bago siya umuwi pinilit niya na susunduin niya ko kasi wala pa nga yung kotse ko at nasa pagawaan pa kaya di na din ako umangal dahil kukulitin lang niya ko." Pagpapaliwanag ko

"So kaya ka may bitbit na daisy kasi siya ang nagbigay niyan nung sinundo ka?" Si chaeng naparang kinatuwa pa niya yung nangyayari samin ni lisa tumango lang ako sakaniya.

"Pero pano niya nalaman na daisy ang gusto mong bulaklak?" Sabi ni irene

"Nagkataon lang, yan daw kasi yung napili niyang bilin kaya ayun." Sabi ko pero parang di naniniwala bahala nga kayo

Ilang sandali pa dumating na yung prof namin kaya di na din sila nagtanung, buti nalang kasi tutuksuhin na naman nila ko lalo na at may balak silang ireto talaga ko kay loui.

Lisa pov

After ko maihatid si jennie dumeretso nako sa class room ko, di ko akalain na yung binili kung bulaklak ay paborito pala niya akala ko di niya magugustuhan buti pala yun agad ang nakita ko sa flower shop, ng makarating ako sa class room andun na yung tatlo buti wala pang prof.

"Oh lisa bakit ngayon ka lang?" Si jisoo

"Akala namin di ka papasok, anyway kamusta paghatid mo kay jennie kagabi?" Seulgi na nakangiti ng nakakaloko

"Napapadalas ata paghahatid mo kay jennie hahaha." Byul

"Ang dami niyong tanung isa isa pede ba." Sabi ko at umupo sa tabi ni jisoo

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon