Chapter 5 - Something new

452 10 0
                                    

Lisa pov

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya alam kung tatanggi na naman siya kaya hinila ko na agad siya papasok sa kotse ko, bakit ba lagi nalang niya kong tinatanggihan ayaw ba niya sakin, akala ko after nung sa bar ok na kami. Isang linggo ko siyang di nakita naging busy kasi ako kaya kanina nung pumasok kami sa cafe at nakita namin sila parang nabuhayan ako. Gustong gusto ko na ulit siya makita kaya lang di ko din siya matagpuan dahil siguro busy din siya. Natigil ako sa pagiisip ko ng magsalita siya.

"Ah lisa jan mo nalang ako ibaba sa labasan lalakarin ko nalang." Sabi niya see ayaw niya talaga ko kasama.

"Hindi dun na kita ibababa sa mismong bahay mo, saka may utang kapa sakin coffee right?" Sabi ko sakaniya na parang kinagulat pa niya maaga pa naman kaya pede pa ko magstay sakanila.

"Sure ka ba baka kasi naaabala na kita nakakahiya." Kailan ba siya naging abala?

"No di ka nakakaabala ok saka wala din naman akong gagawin kaya ok lang."

Di na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sakanila. Una kong bumaba para pagbuksan siya ng pinto after nun inaya na niya kong pumasok sa bahay nila. Ang ganda ng bahay nila at malaki di nalalayo sa itchura ng bahay namin.

"Pasok ka maupo ka muna jan, what do you want to drink juice coffee or tea?"

"Coffee yung inalok mo sakin nung nakaraan di ba so coffee nalang."

"Sige maupo ka muna jan ipagtitimpla kita." Sabi niya at nagtungo agad siya sa kusina nila panay lingap ko sa bahay nila at naagaw ng atensyon ko yung lamesa ng may mga picture nila may picture dito ng magasawa siguro parents niya yun tapos meron din siya picture nung gramaduate siya ng high school meron din siyang picture kasama yung parents niya nung bata pa siya.

"Here magcoffee kana muna dinalan din kita ng cake." Sabi niya kaya napalingon ako sakaniya

"Sorry ha pinakialaman ko yung mga pictures."

"Its ok."

"Asan ang parents mo?"

"Wala sila dito nasa new zealand sila dun kasi naka base yung business ng dad ko kaya ako lang magisa dito saka yung kasambahay namin." parehas pala kami wala din kasi ang parents ko dito nasa thailand sila kaya si yaya lang ang kasama ko lagi.

"Ah ganun ba, parehas pala tayo."

"Bakit asan ba parents mo?" Pagtatanung niya sakin

"Nasa thailand sila gaya ng dad mo dun din naka base business ng dad ko kaya magisa lang din ako dito." Sabi ko

"Yung mga kapatid mo asan?"

"Wala akong kapatid nagiisa lang ako."

"Hirap maging only child no?"

"Ha?" Di ko nagets yung tanong niya

"Nagiisang anak lang din ako gaya mo."

Parehas na parehas kaming dalawa, mahirap talaga pag only child ka ang taas ng expectation nila sayo siguro parehas kami ng nararamdaman. Habang naguusap kami biglang tumunog yung cellphone ko.

"Wait lang sagutin ko lang to." Paalam ko sakaniya kaya lumabas ako saglit

📞 " hello! Mom bakit po?

📞 "Nothing sweetie i just wanna check on you kung ano ginagawa mo? Kamusta ka jan malapit na graduation mo." Sabi ni mom haiy alam ko na aalamin lang niya kung asan ako.

📞 "Mom im ok saka andito ko sa bahay ng kaibigan ko, dumaan lang ako saglit and yeah malapit na graduation ko kaya kailangan niyo ng umuwi."

📞 "Sinong kaibigan kila jisoo, seulgi or kay byul? Dont worry nakaschedule na yung pag uwi namin ng dad mo inayos na namin yun."

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon