Chapter 13 - Chaesoo confession

330 7 0
                                    

Lisa pov

Andito ko ngayon sa convention ng school namin kung saan gaganapin ang graduation kakatapos lang kasi ng practice namin at inaantay ko yung tatlo.

"Ang tagal niyo naman, nagugutom nako." Reklamo ko sakanila kanina pa kasi sila nagpaalam na magbabanyo ang tagal nila bago bumalik.

"Pasensiya na ang haba ng pila sa cr eh." Sabi ni byul

"Tara na sa cafe gutom na si monkey." Sabi ni seul kaya sinamaan ko siya ng tingin nagtawanan naman yung dalawa

"Nga pala seul nakausap mo na ba si suzy?" Pagtatanung ni jisoo

"Hindi pa weh pero may usapan na kaming magkikita kami sa isang araw."

Nalaman kasi namin na hindi pa pala hiwalay si suzy at ang girlfriend niya pinaimbestigahan kasi namin ito.

Masyado kasi kaming nahihiwagaan kung bakit bigla siyang bumalik.

Pinalabas niya na hiwalay na sila ng girlfriend niya para maibalik ang tiwala sakaniya ng parents niya sa ganung paraan hindi siya maghihirap.

"Sigurado kana ba sa offer mo sakaniya? Baka makalahata si tito." pagtatanong ko.

"Hindi alam ni dad yung tungkol dun, at isa pa after naman neto susundin ko na ang gusto niya, at salamat sa tulong niyo." Sabi ni seulgi

Ilang sandili lang nakarating na kami sa cafe, umorder na din sila byul ng kakainin namin.

"Nga pala lisa naitawag na ba ng dad mo yung tungkol sa resort niyo?" Pagtatanong ni jisop

"Ah ou sinabihan na niya yung tauhan namin dun."

"Saan ba tayo dun sa public resort niyo o dun sa private?" Pagtatanong ni byul nakabalik na sila dahil ihahatid nalang daw order namin.

Dalawa kasi yung resort namin sa zambales yung isa negosyo namin at yung isa para lang sa pamilya namin wala ibang nakakapasok dun maliban samin.

"Sa private resort tayo sabi ni dad para safe at walang abala."

Safe din naman dun sa public resort kaya lang masyadong maraming tao ngayon dun dahil magsusummer na.

"So maaga tayong aalis the day after ng graduation kaya ayusin niyo na mga gamit niyo." Sabi ni jisoo

Balak talaga namin after ng mismong graduation kami aalis, kaya lang naisip namin magspend muna ng time para makapagcelebrate kasama ang mga family namin lalo ako dahil sandali lang sila dad dito.

"Grabe finally gagraduate na tayo, makakalaya na tayo sa mga terror natin prof." Sabi ni byul na tuwang tuwa

"Matanong ko lang wala pa ba kayong balak magtrabaho sa mga company niyo?" Pagtatanong ni seulgi

Alam namin na pag nakatapos na kami ng pagaaral tapos na din yung mga kalokohan namin what i mean kailangan na namin harapin yung mga responsibilidad namin.

"Actually ako may balak na kaya lang sabi ni dad pagaralan ko muna daw ang pasikot sikot sa company para di ako mahirapan." Sabi ni jisoo

"Eh ikaw lisa?" Pagtatanong seul

"Meron naman akong balak pero ayaw ako ipressure ni dad kung kailan daw ako handa, pero balak ko na din pagaralan para di nako mahihirapan kung sakali." Sabi ko

"Grabe buti pa ang parents niyo di kayo kinukulit, samantalang si dad araw araw ako kinukulit para tuloy na ayaw ko na grumaduate." Sabi ni byul

Kanina lang tuwang tuwa siya na gagraduate kami ngayon akala mo nalugi haiy.

Matapos kaming kumain naisipan naming bumalik sa convention dahil andun daw sila solar sabi ni byul

We Bumped To Our Destiny G!PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon