Traffic 62

85 1 0
                                    

-Keito POV-

Nakakainip. Walang mapag-trip-an. Nasaan na ba kasi nagpunta si Yabu?

"Hikaru, nasaan si Kouchan?"-Chii

"Bumiling napkin."-Hikaru

"Para kanino? Kay Inoo?!"-Takaki

Muntik nang makahalikan ni Takaki ang buhangin sa resort. Tumayo naman kagad sya saka pinagpag ang shorts na nagkaroon ng buhangin.

Nagugutom na kami kaya lumabas kami ng hotel room. Saka sobrang ingay ni Yamada at Yuto. May LQ yata. Nilayasan muna namin.

"Si Taiga ba yun?"-tanong ni Soba.

Soba ang bagong nickname ni Daiki dahil mukhang noodles yung bagong perm nyang buhok.

"Taaaaiga~!"sigaw ni Ryuu.

Mas close sila dahil magkakasama sila during junior days.

Ako lang ba ang walang friends bilang 'junior'?

"Ryuu."nakangiting sabi ni Taiga.

Si Taiga? Maputi, slim, makinis at mapagpanggap na chiks. Lalaki to. Parang si Inoo Kei. Magandang lalaki. Ang kaibahan lang, mahinhin si Taiga.

"Mag-isa ka lang?"tanong ni Hikaru na parang pumipick-up ng chiks sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

"Hindi. Kasama ko si Jesse. Kaya lang, busy sya."

"Get away?!"-Soba

"Tangek, honeymoon."-Takaki

"Bakit di ka sumama sa amin maglibot sa resort?"-Hikaru na mukha talaga manyak magtanong.

"Hika, lalaki yan."-Chii

"Alam ko. Ano ba kayo. Mukhang di makapaglibot tong si Taiga kasi mag-isa lang sya."dahilan nung manyak.

"Teka... di nyo kasama si Yabu?"

"Yabu?"sabay-sabay naming tanong.

Tumango si Taiga. "Sabi ni Jesse, nung nag-room service sya kanina, kay Yabu sya naghatid ng pagkain."

Sabay-sabay kaming nagkatinginan.

"Taiga, nasaan si Jesse?"nangangating tanong ni Hikaru kahit na sya ang nagsabi na wag munang pakialaman ang diskarte ni Yabu.

"Hindi ko alam. Kung alam ko, hindi sana ako mag-isa ngayon."

Oo nga naman.

"Oplan Search for Jesse!"-Ryuu

"Next time ka na lang namin samahan, Taiga."-Soba

Naghiwa-hiwalay kami.

Walang usap-usap na alam kung saan kami pupunta.

Room Service daw si Jesse...

Ano naman napasukan nun?

Mamaya ay may nakasalubong akong matangkad na naka-uniform. Resort crew siguro to. Maitanong si Jesse.

Mamaya pa ay nag-type ako sa cellphone ko pagkatapos makausap yung crew.

'Sino malapit sa west side? May inihatid daw na guest si Jesse.'

GM ko.

Mamaya ay may nag-text na.

'Nakita ko na!!!'

Takbo Keito.

Masaya to.

To think na sagot ni Yabu ang hotel room namin, nakuha pa nyang kumuha ng isa pang hotel room.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon