Traffic 76

69 3 0
                                    

a/n: napilitang mag-update dahil sa blonde hair ni Inoo Kei. Salamat sa mga nag-aantay at salamat sa 5K reads! ako na ang pinakamasayang kotaeru shipper (dahil nag-iisa lang ako) sa buong earth!

-Fuma POV-

"So... bakit tayo nandito?"tanong ni Keito.

"Ewan ko."sagot ni Takaki, naghihikab.

"Anyare sayo?"tanong ni Daiki kay Takaki habang lumalamon ng Pocky.

"Napuyat ako kay Inoo."sagot ni Takaki, may halong pagyayabang ang boses.

Pumasok si Inoo. "Morning..."kulang sa energy na bati nya, isama na natin ang naghuhumiyaw na eyebags ng mata nya.

"Anong meron?"tanong ng pumasok na si Ryuu.

"Morniiing~~ Anyare kay Inoo?"

Kanina na pa ko sa loob ng kwarto pero parang di naman nila ko nakikita. Mas may concern sila sa eyebags ni Inoo.

"Sino natira kagabi?"tanong ng kadarating lang na si Hikaru.

"Ikaw at si Yabu. Tagal nyo e."sagot ni Daiki.

"Anyare sayo?"tanong ni Hikaru kay Takaki.

Ewan ko alam kung ano pinag-uusapan nila. Di ko alam kung pano sila babatiin ng good morning kung ganitong may pinag-uusapan sila na sila lang din ang nakakaalam.

"Si Inoo, tawa nang tawa kagabi. Lakas ng bunganga."inaantok na sabi ni Takaki.

"Bunganga talaga?" Sinipa ni Inoo si Takaki. "Lakas mo kayang maghilik."

"Uuugh. Ayokong marinig yang lambingan nyo, gusto kong matulog... Hahabulin ko pa yung height ni Yutti."reklamo ni Chinen.

"Wala pa si Yabu?"tanong ng kadarating lang na si Yamada. "Morning Fuma."bati nya sakin.

Napalingon lahat ng nasa loob ng kwarto sa akin.

"Fuma!! Ano ginagawa mo dito?"tanong ni Chinen.

"Morning.."bati ng iba.

"Kumusta ang asian tour?"ewan ko kung sino yung nagtanong.

"Masaya."sagot ko.

Di ko pa nasasagot ang ibang tanong nang may pumasok na naman.

"Si Yuto, di pa dumadating?"sabi ni Yabu pagkapasok sa practice room.

"Hindi, bakit?"sabay sabay na sagot nila.

"Sira ulo na yun. Tignan nyo naman yung iniwan nya kagabi."

Lumapit si Yabu sa mga kasamahan saka may inilapag na papel sa lamesa.

Nakisilip na rin ako.

"Saan naman nya nakuha yan?"tanong ni Keito.

Tumawa si Chinen.

"Ewan ko!!!"sagot ni Yabu.

"Tae ka. Kung gusto mong ipagyabang girlfriend mo, wag dito. Talagang pinaprint mo pa kaagad ha."

Teka.

Girlfriend ni Yabu?

"Basted si Yabu."

"Sige, idiin mo pa."sabi ni Yabu saka sinipa si Takaki.

"Akala ko naman kung ano na. Si ex pala."sabi ni Daiki.

Parang nakita ko na yung babae.

Nakalimutan ko lang kung saan.

"Sya yung kasama ni Haruma Miura sa concert namin sa Pilipinas."sabi ng kakadating lang na si Kento.

Tama!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon