Traffic 18

92 1 0
                                    

-Mariel POV-

Eto na naman tayo sa nakakatamad na araw.

Kahapon, masaya eh.

Kasama ko si Keito.

At si Takaki na minumura yung kalaban nya sa game.

Wala syang pakialam sa 'min ni Keito na nanonood ng kung anumang mga guestings ng JUMP kahapon.

Pati yung mga Ya-ya-yah days nila Yabu, pinatulan na din namin ni Keito.

Ngayon, eto ako, inaantay mag-change ang battery ng cellphone ko, nagbabantay ng tindahan.

Kailangan din ng mga down sa buhay. Di naman palaging dapat masaya.

Napagalitan pa ko ni mama. Kasalanan ko bang sa akin idagdag yung time ni Bakaki.

May nagtext sa isa kong cellphone.

Hindi ko pinansin.

May isa pa.

Wala akong pakialam.

Isa pa ulit.

Tinitigan ko lang ang cellphone ko.

"Tao po!"

Napalingon ako.

GRABEEEEEEEE.

"Nagpunta ba dito si Keito?"tanong nya sa akin.

Bakit naman sa akin hinanap si Keito?

"Hindi. Baka kasama ni Takaki."

Okay. Ako na walang galang na fan.

"Ayun. Nawawala nga din si Takaki. Saka si Yabu."

Uh... Kailangan ko talagang malaman?

"Parang nakita na kita..."sabi nya sa akin.

Mas bastos pala 'to e.

Kung di lang 'to may itsura, binalibag ko na sya ng yelong may lasa.

"Mariel, di ba?"

E di ako na sikat.

"At dahil alam mo pangalan ko..."

Inilabas ko ang mahiwagang notebook ko.

"Pa-autograph."

"Alam mo ba kung nasaan si Keito at Takaki?"

Nagtatanong pa rin sya habang pumipirma.

Sulat.

Sige sulat pa.

Inabot nya sa akin yung papel.

"Baka nasa computer shop si Keito at Takaki. Si Yabu... kasama nila Shoon."

"Sige, salamat!"

Tumakbo na sya.

Napatingin ako sa notebook.

'Nasan ka Ryutaro? Haha. Napadaan lang! Mahal ko AKO! -Chinen Yuri'

Natawa ako.

Daig si Ryan Bang sa gramming.

Napatingin ulit ako sa charger.

Oh yeah. Full charge.

Ay... Sino na nga yung nag-text?

'Pag may nagpunta sa inyo, sabihin mo, nasa computer shop kami ni Buntis. -OK'

OK?

Buntis?

Si Takaki ba yun?

Teka...

OK?

Okamoto Keito?

Saang planeta naman nya nakuha yung cellphone number ko?

Ang alam ko lang...

"Mama!!!"

"Ano?"

"Binigay mo ba number ko dun sa singkit kagabi?"

"Ay oo. Baka daw kasi wala ka dito pag pumunta sya."

Sabi na nga ba.

Silang dalawa lang yung nakita kong magkausap kagabi.

"Yeeeeeel!!!"

Tingin ulit sa labas.

Lol. Si Airi.

"May gwapong tumatakbo sa labas kanina. Galing dito. Sino yun?"

Ipinakita ko yung notebook na hawak ko.

"Chinen Yuri... HALAAAA!!!! Si Chinen yun?! Lika habulin natin!!"

"Bakit? Ichiban mo?"

"Hindi. Picture-an natin saka natin ibenta ng 150 isa sa fangirls. Kelangan ko ng pera."

Sino bang fangirl ang hindi nangangailangan ng pera?

"Pumasok ka na nga."

At tumunog ulit cellphone ko.

Text.

May isa pa.

Isa pa.

Ano ba?! SPAMMER?! magkakasunod talaga?

Yung number ni Keito.

Napatingin ako kay Airi.

Sasabihin ko ba?

"Tita... Nasa loob si Yel?"

Halamoooooo.

Kilala ko yun.

"Nasa loob. Sige, pumasok ka na."

"Mariel!! Kanina pa kita itinitext."

Napatingin kami ni Airi sa pumasok. May hawak na laptop. At fit na naman ang damit.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon