AN: Inaalay ko ang chapter na ito para sa isa pang 'Yel'. haha.
at...
-------
-Yel POV-
"Ano nangyari sa lakad mo?"
Inihagis ko ang bag sa sofa saka dumiretso tindahan saka inagaw ang kinakain nya.
"Ituloy ko daw."sagot ko saka sinipsip ang plastic ng yelong may lasa.
"Ah! Indirect kiss!"
Tinignan ko sya ng masama. "Alam mo, Kota, sasaktan na kita. Kanina, ayaw mo kong paalisin, ngayon, aasarin mo ko. Umayos ka."
"Domestic violence. Makakasuhan ka, Yel ko."
Natahimik ako.
Kinikilig ako e.
"Kinikilig."
Stating the obvious.
Hindi ako sumagot.
"Hinga. Namumula ka na."bulong nya malapit sa mukha ko.
Gano kalapit pa ba tong lalaking to? Kaunti na lang, nose to nose na kami.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Mainit kasi."pagdadahilan ko.
"Paypayan kita?"
"Ang landi mo."sabi ko.
Ang lapit kasi nya. Nagwawala na talaga yung egg cells ko.
Hindi naman exactly fic ang lahat. Actually... totoong nagkita kami ni Yabu Kota.
Pagkatapos ko syang maka-chat dahil sa mga fangirls na kasama ko noon, nakita nila ko ng di sinasadya...
Miracle...
Coincidence...
Aaaah... Sarap pakinggan ng dalawang yan kapag hindi talaga kapani-paniwala ang nangyayari.
Tatlong linggo matapos ang concert nila ay sumunod si Yabu sa Pilipinas. Hindi nya sinabi ang dahilan pero sa amin sya nakikitulog kapag ganitong araw.
"Oi, Yel. Kittemasuka?"
Sinipa ko ang upuan nya. "Magtagalog ka!"
"Naintindihan mo naman."nakangiting sabi nya.
Hindi ako nagsalita.
"Ano sabi ng kaibigan mo?"
"Sayang."
"Ha?"
"Sabi nya, sayang kung di ko itutuloy."
"Ano ba kasi yun?"
"Fic..."
"Pero di naman fic ang love story natin."parang wala lang na sabi nya saka kinuha ang kinakain ko.
Namula ako bigla.
"T-teka!!! Oi! Wag mong sabihing pinakialaman mo gamit ko?"
"He-he."
"Wag kang mag-hehe. Ano pa nakita mo sa kwarto ko?"
Nag-isip sya. "Bidan... uh... poster ng NEWS, saka yung nasa pintuan mo. Di ko alam na ganun mo pala ko kamahal. I love you too."
Napataas ang kilay ko. "Neh... may binabalak ka ba?"
"Anong balak?"
Tinitigan ko syang mabuti.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...