-Keito POV-
"Di ko nga alam kung bakit." -Chinen
"Selos ka lang sa Tekken." -Yamada
"Hindi nga!!!" -Chinen
"Eh Bakit umuwi ka na nung si Yamachan yung sumundo sa 'yo." -Yuto
"Kayo ba?!" -Takaki
"Eto namang si Takaki, slow na, mabagal pa." -Hikaru
"Pareho lang yun di ba?" -Takaki
"Hindi. Yung slow, mabagal." -Daiki
"Balik na dun sa usapan. Ano nangyari bakit sumama din pauwi si Yabu?" -Inoo
"Baka namimiss ka--"
Napitik sa noo si Yuto.
"Hoy Keito, magreact ka naman dito. Ikaw ang pasimuno neto." -Yamada
Nilingon ko sila.
Mas interesado ako sa kwento ni Chinen kung bakit naman nagkakagulo sila sa pagtatanong ng kung anu-ano.
"Umpisahan mo muna nung umalis kami ni Takaki."
Sabi ko na lang para matahimik yung anim.
Ang gulo naman kasi nila lagi.
"E di nga kinukulit ako kung bakit gusto ko dun matulog. Di ko naman masabi kung bakit talaga."
"Eh bakit nga ba?" -Inoo
"Di ko nga trip yung pagkakangiti ni Haruma sa kanya!"
"Kayo ba? Kung makapagsalita ka, parang mag-ex naman kayo ni Mariel." -Takaki
Inirapan sya ni Chii.
"Hindi ko nga trip. Masisisi nyo ba ko? Basta. Tapos, di dumating na si Yabu. Ewan ko ba. Bago pa ko makapag-sorry ay Yel, inakap ko na sya."
"HAAAAAAA?!"
Over Acting naman 'tong mga 'to.
Ano nga naman ba kasi pumasok sa utak ni Chinen at ganoon ang ginawa.
"Di ba, ikaw ang nagsabi na si Yabu ang pumick-up sayo?" -Takaki
"Eh kasi... Naalala ko na si Yel nga pala yung... alam nyo na."
Sabay-sabay pa kaming tumawa.
"Tapos.. nun ko lang din nakitang nagalit si Yabu. Grabe. Halos magmura na sya nung tumawag yan!"
Itinuro nya ako.
"Sira ulo! Bakit ako? Ikaw nga yung umakap kay Yel."-ako
"Eh tinawagan mo naman si Yel."-Chi
"Nagtext kasi sya ng SOS."-ako
Eh wala namang pantawag na load yun kaya tumawag na ko.
Saka, magkaibigan naman kami nun kaya walang masama dun.
At...
Ayokong magpaliwanag sa kanila. Makasuhan pa kong guilty at defensive.
"Tapos nun... Hindi talaga alam ni tita kung saan kami patutulugin. Kung ako lang, kasya kami ni Yel sa kwarto nya--"
"As if namang dun ka patulugin." -Yuto
"Ganyan lang itsura mo pero mas malala ka pa kay Yuto." -Inoo
"Hoy! Bakit nadamay na naman ako!!!"
"Teka... mabait naman si Haruma. Bakit di mo gusto?" -Hikaru
"Para kasing may alam sya na di ko alam. Na ni hindi alam ni Keito o maski ni Yel. Baka mamaya kung mapano pa yun."
"Isa lang ang sagot sa tanong mo na yan, Hikaru." -Daiki
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"Ang neko ay galit sa kapwa neko."
Napatango na lang kaming lahat.
Liban kay Chinen na sinimangutan lang kami.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...