Traffic 44

79 0 0
                                    

-Mariel POV-

--

'Any recent funny experience with someone in Johnny's?'

Kota: I saw Tegoshi-san around Waseda singing a Christmas song and wearing girls' clothes! He asked me to give him 100 yen so he can go home. Apperently, he lost on some bet. Ah! Tegoshi-san, please return my coat. Arigatou.

Inulit ko ulit ang binabasa kong translation ng isang magazine.

Isa pa.

Waseda.

Tegoshi wearing girls' clothes.

Binuksan ko ang Twitter ko na nasa kabilang tab lang.

'Pwede bang pakipatay na si Tego? Ang sakit sa puso e.'

Tweet ko.

Parang nabunutan ako ng tinik ng pinakamalaking tuna sa nabasa kong translation ng magazine.

At yung picture...

Yung sinasabi ni Daiki na photoshoot dito.

Ang cute ni Hikaru. May hawak na torch--este kahoy na may apoy.

At si Kota...

Teka...

Parang nakita ko na 'tong damit na 'to.

"Eto yung suot na T-shirt ni Shoon nung concert..."bulong ko.

"Yang suot ni Yabu?"

Napalingon ako.

May kasama nga pala ko.

Ayaw nila akong tantanan.

Ipinaliwanag ko nang saglit lang ang JUMP dito.

Ano pa ba gusto nila?

"Wui, Yel. Ano pa mga ginawa ng JUMP dito? Bukod sa bonfire na yan?"

Ano nga ba?

Napaisip din ako.

Ragnarok, malling, photoshoot, magtinda-- lalo na yang Okamoto fit na damit na yan-- tumambay dito sa bahay, manood ng shooting ni Haruma, manood ng concert at mag-frog pose sa harap ng pintuan ng hotel room.

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

Sasabihin ko ba?

Baka naman si mama ang kulitin nila.

"Nagphotoshoot saka nga nanood ng concert ng Kyoudai."sabi ko na lang.

"Na kasama ka?"

"At may picture si Chinen sa sala nyo?"

Napakamot ulo ako.

Pano ba ie-explain yun?

"Kuya, magkano na utang ko?"tanong ko kay kuya.

Kinalabit ako nung dalawa.

"Nag-iwan yung pogi ng 100 nung huli nyang punta dito. Sayo daw."

Pogi?

Si Haruma?

Siniko na ko ng dalawa.

"Sinong pogi?!"

"Kuya, ano itsura nung pogi?"

Napaisip pa si kuya. "Yung maputing matangkad na may nunal sa baba."

"May nanliligaw sayong iba, Yel?!"

"Baliw."sabi ko. "Kuya, pwedeng iclaim yung pera?"

Tumango si kuyang nagbabantay.

Inabot nya sa akin ay 200.

"Pati yung sukli nung mahilig mag-Ragnarok."

"Eh gawa na kasi laptop nya."

'Yay! Ang yaman ko na!!!'

Busy-busy-han ako sa pag-iisip kung saan ko dadalhin ang biyaya ni Takaki at Haruma nang mag-ring ang cellphone ko.

Di ko kilala.

Parang sobra sa number.

Sinagot ko na.

Baka emergency.

"Hello?"sagot ko.

Nakatingin sa akin ang dalawa kong kasama.

Walang sumagot sa kabilang linya.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko.

Ongiong pa rin yung call.

Di naman ibinaba.

"Hel--"

[Yel...]

ANG PUSO KO!!!

Bakit ngayon ka pa tumawag?! Onti na lang, makakaget over na puso ko e!

Hindi ako makasagot.

Napipi na ko.

[Siguraduhin mong wala kang ibang lalaking tinitilian naiintindihan mo?!]

Nailayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko pero naririnig ko pa rin sya.

"Ang sungit mo naman! Bakit ba kasi iniwan mo ko?!"

Sa wakas, may nasabi na din akong medyo matino.

Hoy eardrum ko, balik ka na.

[Kailangan para sa future.]

Kinikilig ako.

Hindi ko ma-express yung kilig ko.

Kagat labi na lang ako.

My gaaaaaaaash!!!

[Yel.]

"Bakit?"

[Sa akin ka lang.]

Feeling ko, kamatis na naman ako.

Kung nakikita ako ni Daiki ngayon, aasarin na naman nya ko.

[-Ang possessive mo naman!- Masama ba? -Gusto din namin ng hug galing kay Yel-- ARAAAAY!!! Masakit! -Ang damot mo- -Payat- Yel, ba-bye na. Tandaan mo sinabi ko.]

"O-okay..."

Okay na lang sasabihin, stammer pa.

[I love you--Wiiiii. Nakakileg naman Yabu!!!- Wag kayong maingay! SSSSHHHH!!!]

Namatay na ang linya.

Di na naman ako nakasagot.

Napatingin ako sa mga kasama ko.

"Namumula ka?"

"Boyfriend mo?"

Boyfriend...

Lalo lang yata akong namula.

"GAAAAAAAH... Ipinagpalit mo na si Yabu?"

"Kamukha ba ni Yabu yan? Ka-height? Ka-weight? Ka-waistline? Kapuso? Kapamilya? Kapatid? Ano?!"

Hindi naman kamukha lang e.

Napatingin ulit ako sa cellphone.

Kelan kaya sya ulit tatawag?

Napangiti ako.

"Ayiiie. Inlab na si Yel. Uwi na tayo. Nakaget over na sya sa JUMP. May boypren na sya. Matangkad, maputi na may nunal."

"Sounds like, Haruma."

'Matangkad. Payat. May nunal. Sounds like Yabu Kota.'

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon