AN: para sa duckface ni Kikuchi Fuma na lagi kong nakikita sa NF ko.
[ps. at para sa Singit ni Taipi. SALAMAT ANAN!]
-Yel POV-
'Magpapamiss pala, huh. Tapos may kasamang babae. Anlabong buhay naman talaga, Yabu Kota. Bumalik ka na sa mama Jin mo.'
"Hoy Yel! Antayin mo ko!"sigaw ng kasama ko.
Napatigil ako nang marinig ang boses ng kasama ko. May kasama nga pala ko.
"Ano ba yun? Bakit may walk-out? May nakita ka bang ex---"
"Excuse me."
Nanlaki ang mata ko nang may tumapik sa balikat ng kasama ko.
"Uuwi na ko."paalam ko.
"Ha? Teka. Yabu Kotaaaaaaaaaa!!"flail ng kasama ko saka hinatak ako. "Fan ka, di ba?"bulong pa nya.
"Ano ka ba."sabi ko. "Di ako fan ng lalaking poste na yan."dagadag ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay Yabu.
Oo Yabu na lang kasi di naman kami close para tawagin ko pa syang 'Kota'.
"Mag-usap tayo."sabi nya.
"What the fuck?! Nagtatagalog ka?"sabi ng kasama ko. "Teka, totoong Yabu ba to o Kalokalike lang??"
Hindi ko sya pinansin. "Wala tayong pag-uusapan."sagot ko sa posteng nagsasalita na parang linya sa gasgas na teleserye na panggabi.
"Yel..."
"Hindi tayo close."
"Mariel, makinig ka sa kin o hahalayin kita rito?"poker face na tanong ni Yabu.
"Uuwi na ko."paalam ko na saka nag-walkout.
Nagmamadaling umalis ako sa foodcourt. Hinanap ang pinakamalapit na exit. Pero walang sumunod sa akin kaya sa bookstore na lang ako pumasok. Napasimangot pa ko nang makita na naman yung guard na lolicon.
'Sya na naman.'sigaw ng utak ko.
Pero pumasok na rin ako sa loob. Kesa umuwi ako sa bahay. Alam na alam kong pupuntahan nya ako dun.
'Sigurado ka ha? E ni hindi ka nga sinundan.'sabi ng mahadera kong side.
'Malay mo lang naman.'mahinang bulong ko saka dumampot ng libro na walang cover. Yung pwedeng basahin.
Hindi pa ko nakakaisang page ng nababasa nang may maramdaman akong kadiring presence sa likuran ko. Pero hindi ko iyon pinansin.
Umalis na ang nakakadiring presence.
"Yel..."
"Ay kambing mo!"nagulat na sabi ko dahil sa lalaking malapit ang bibig sa tenga ko.
Ngumiti sya. "Akala mo ba, hindi kita susundan?"
Inirapan ko sya. Hindi kami close no.
Kinalabit nya ko. "Yel, wag ka nang magtampo. Di babae yun."
"At sigurado akong hindi si Inoo yun."pabulong na sabi ko, sapat para marinig nya, habang binabasa ang magandang novel na hawak ko.
"Hindi nga."
"Ewan ko sayo."
"Yel---"
"Excuse me, miss, ginugulo ka ba nito?"tanong nung pedo na guard.
"Pwede bang wag kang makialam?"sabay na sabi namin ni Yabu.
"Away mag-asawa 'to, kaya wag kang makisali."sabi pa ni Yabu saka ako hinatak papuntang counter.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...