-Keito POV-
Parang natagalan yata si Yabu.
Papadilim na.
Naka-set up na ang mga tent.
Camping pala ang gagawin namin.
Pero may grill sa likuran.
Malamok.
Nagseset-up ng campfire si manong sa gitna.
Photoshoot pala to.
May bitbit na reflector yung assistant photographer. May naka-set up din na ilaw.
Pero gawin daw namin ang gusto naming gawin.
At ngayon...
May bitbit si Hikaru na kahoy na may apoy.
Ginawang torch.
Sira ulo. Feeling Olympian.
Tawa nang tawa ang mga audience nito.
"Gayahin mo yung commercial ni Tego!"suggest ni Takaki na nakisali sa mga bata.
Kundi ba naman uto-uto si Hikaru. Slow motion pang tumakbo.
"Dumating na ba si Yabu?"tanong ni Inoo sa akin.
"Whoah. Akala ko si Daiki."
Natawa si Inoo. "Ayun na nga. Kanina pa hinahanap ni Daiki."
Nag-ring ang cellphone ko. "Nandito na ko. Nasan kayo?"
Lumingon ako.
"Sa Grill..."
Nakita ko na sya.
Kumaway ako saka ibinulsa ang cellphone.
Iba na ang damit na suot nya. May dala syang paper bag.
"Kaninong damit yan?"tanong ni Inoo.
Muntik na kong matawa.
Parang asawa ni Yabu minsan 'tong lalaking 'to.
Nakatingin si Yabu sa akin.
Parang may gusto syang sabihin.
Saka sya tumingin kay Inoo.
"Aaah... Inoo... Ikaw yata ang una sa shoot..."sabi ko.
"Keito!!!!"sabi ni Yabu saka inilagay ang kamay sa magkabilang balikat ko.
Nakaalis na si Inoo.
Araaaaay...
Ang bigat talaga ng kamay ng matangkad na 'to.
"Keito!!!"
"Ano ba?"
"Kahapon!!!"
Nababaliw na ba 'tong matandang 'to?
"Waaaaaaa!!!!"
"Nakita ko yung lagi nating ka-chat." -ako
"Shhhhhh!!!!"
Tumingin sya sa mga kasama namin.
"Nakita ko sya kahapon."
"Nakita ko sya kanina."
Sabay kaming nagsalita.
"Saan?!"
Sabay ulit kami.
Actually... nung nawala yung sakit ng ulo ko, saka ko narealize na sya yun.
So... Nakita na sya ni Yabu kahapon?
Parang ang bilis naman ng balita na nandito na kami.
"Saan mo nakita?"
"Sa bus kahapon."
"So, sya ang sinabi mong nakita mong 'kaibigan'?"
Umiling si Yabu.
"Waaaaah. Saan mo nabili yan? May ganyan si Shoon!! Arbor!!"singit ni Hikaru.
"Kay Shoon 'to. Wala akong damit. Nakiligo ako sa kanila kanina."
"Shoon... Yamashita?"tanong ko.
"Ibalik ang Ya-ya-yah!!"nababaliw na sigaw ni Hikaru saka tumawa.
Hindi na nagtanong ulit si Yabu.
Sumama na sa mga baliw.
At ako...
May naisip na magandang plano.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfic"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...