-Keito POV-
"Saan naman ngayon nagpunta si Takaki? Sinabi ko naman kanina na ihiwalay na yung malinis nyang damit."
Napatingin kaming lahat kay mama Inoo.
Mama. Kasi feeling na nya talagang nanay sya lalo na at palaging nasa outer space ang utak ni Yabu.
Tulad ngayon.
'Tulala sa isang tabi... At di mapakali...'
Kanta ni Daiki at tumabi pa kay Yabu.
Tinignan lang nya si Penguin saka bumuntong hininga.
Mukhang babaeng tinabihan ng crush nya kung makapag-daydream 'tong si leader.
Nagtext ako.
'Buntis, san ka?'
Ang tagal magreply.
Alam ko, nasira yung laptop nya.
Overheat.
Bukod sa di nya kayang gawin... matatagalan yatang mag-level up ang pinupuyat nya na game.
Ang tanging dahilan ng pagiging antukin nya nitong mga nakaraang araw.
"Waaaaaa! Yung mga panahong sinisipa nya ako, buntong hininga na lang ngayon?!" -Daiki nag-e-emote.
"Masokista ka ba?" -Yuto tinitiklop ang mga nabiling brief.
"WAHAHAHAHA. Mas gusto pa nyang sinisipa sya ni Yabu, kesa ganyan lang." -Yamada tuloy sa pagtawa.
"No reaction si Yabu-kun. Inlove ka?" -Chinen
Tingin kaming lahat kay Yabu.
Napatigil ito sa pagde-daydream.
Bullseye ka, Chii.
Di ko kasi masabi yun. Baka suntukin nya ko bigla.
"Aaaah... raaaaay..."
Napalingon kaming lahat kay Hikaru.
Sabay tawanan din.
Natutulog kasi si Hikaru. Kung maka-ungol naman akala mo, nirerape na.
Sa wakas may nagreply na.
'Malapit sa pinagbilihan mo ng uling.'
"Inoo... Sunduin ko lang si Takaki."
Tumango si Inoo. "Isama mo na kaya yang si Yabu? Kesa nakakalat dito sa kwarto."
Napangiti ako.
Good idea.
"Yabu."tawag ko.
Tumango ito.
Wala pa rin sa sarili.
Tignan lang natin mamaya.
"Nakita mo na ba ulit yung...."
Napalingon ako kay Yabu.
Kakagulat. Bigla na lang nagsasalita.
"Alin?"
Kunwari, di ko alam.
Kunwari, inosente ako.
"Yung babaeng lagi mong ka-chat?"
Aaah...
"Kahapon."
"Kahapon?!"
Napatingin sa amin yung driver ng jeep.
"Sa mall."pa-cool na sabi ko.
"Kung nakita mo sya sa mall, dapat nakita din sya nila Chinen."
Natahimik ako.
Iniwan namin ni Daiki si Yel kahapon dahil baka maipit din kami sa mga fangirls.
Pagkatapos ay saka pa lang kami nagkita-kita sa tapat ng spa. Galing si Chinen at Yamada sa Timezone, si Yuto at Inoo naman ay galing sa spa.
"May di ka ba sinasabi sa akin?"
Hindi ko sya pinansin.
Bingi-bingihan muna ako.
"Sa tabi na lang."
Sumunod sa akin bumaba si Yabu.
"Parang kabisado mo na 'tong lugar."naghihinalang sabi nya.
"Galing kami dito noong kasama mo sila Shoon."
Walang nagsasalita sa loob ng tricycle.
'Saan nga ulit may computershop dito?'
Tingin sa gilid ng kalsada.
'Ayun.'
"Sa tabi na lang, kuya."
Bumaba na kami.
"Kuya magkano na utang ko?!"
Ayan ang bumungad sa amin pagkapasok pa lang.
Tumingin ako kay Yabu.
Nakakatawa yung itsura nya.
Parang papasukan ng langaw yung bibig.
"Wala ka pang utang. Kakaupo mo pa lang."sagot ng nagbabantay. "Mag-i-internet kayo?"
"Halaaaaa! Keito, walang uling dito!!"bati sa akin nung babaeng maliit.
Lumingon si Takaki. "Bakit ba nagtext ka? Namiss mo na kaagad ako?"
"Sira ulo. Hinahanap ka ni Inoo. Di daw nya alam kung alin ang ipapadalang damit mo sa laundry shop."
Napakamot ulo si Takaki. "Kuya, magkano na dito?"
"Eighty-five."
"Keito, ituloy mo nga 'to. Pakipatay yung pangit na yan. I SHALL RETURN!"
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...