-Mariel POV-
Buntong hininga.
Wala bang chopper na lalapag sa harap ng SM Cebu at susunduin ako?
"Bakit tulala ka?"
"Bakit Manila lang ang Pilipinas ni Kitagawa?"tanong ko.
Tumawa ang mga kasama ko.
Next week na ang concert at may ticket sila.
Nakakaiyak.
Bakit ba hindi muna ako nagpaiwan? Bakit ba kasi ang tagal nilang bumalik?
Pano na ang libreng McDonalds', Siopao, siomai, pizza na pangako nila sa akin? Unfair.
Buti pa yung concert ng Ciel Bleu, napanood ko. Tapos yung concert ng JUMP, hindi ko man lang makikita maski isang buto ni Kota during Su Ri Ru perf?
"Wui. Buhay ka pa?"
"Inggitin nyo pa ko sa mga concert tickets nyo."
"Kung mayaman lang ako, inilibre na kita."
"Mayaman ka naman. Kaya ka nga may plane at concert ticket."pabulong na sagot ko.
"Okay lang yan. Ipu-full report ko na lang sayo ang concert hanggang sa pagkain ng saging ni Keito."
"Kota~ sunduin mo naman ako--"
Nag-ring ang cellphone ko.
Number lang.
Hindi ko to kilala.
Hindi ito yung gamit ni Kota nung tumawag sa akin.
"Hello?"
"Si Takaki to. Naliligaw ako."
"Ha? Nasaan ka ba?"
"Mall. Alam mo ba yung Foodcourt?"
Foodcourt? Baliw ba to? Daming Foodcourt kaya sa Pilipinas.
"Foodcourt? Ang daming foodcourt, Buntis!"
"Oi maka-buntis ka naman!"
"Nasaan ka ba?"tanong ko.
Narinig kong nagmura muna sya.
"Ah! Sandali, nakita ko na."
Nawala si Takaki sa kabilang linya.
"Hello? Oi Tikboy!"-ako
"Tikboy?"
Nagtawanan ang mga kasama ko. Busy ako sa pagtingin sa cellphone ko nang may kumalabit sa akin.
Si Takaki!
Nilingon ko ang mga kasama ko.
Mukhang di naman nakilala ang naka-heavy shades at itim na itim na buhok ni Takaki.
"Miss, may tawag ka."sabi ni buntis saka iniabot sa akin ang cellphone nyang sosyal.
Alam pala nyang gumamit ng mga ganitong bagay.
Huminga muna ako bago sagutin ang tawag.
"Hello?"
[Busy ako para sa Manila concert.]
Si Kota!
In love na naman ako!
Kyaaaaaaaa. Gwapo talaga ng boses ng payatot na to. Bakit di pa kami pakasal ng boses nya?
Teka nga.. Kung busy sila sa Manila Concert...
"Eh bakit nandito to?"tukoy ko kay Takaki.
[Hayaan mo na yan. Makakabalik din yan kaagad. Gusto kong sabihin sayo na baka di tayo magkita ulit.]
Eeeeeh? Badtrip naman o!
"Bakit di mo na lang ako pasamahin dito?"
[Baka magasgasan ka, mapatay ko pa yan!]
Kinikilig ako.
Shut up, kokoro.
"Ang tsundere mo. Bakla ka ba?"
Tumawa si Takaki.
"Hi, kuya. Anong pangalan mo?"narinig kong tanong ng mga kasama ko kay Takaki.
[Bakla? Humanda ka sa kin pag nagkita tayo. Re-rape-in kita kahit sa kalsada!]
Namatay ang linya.
Namatay din ang kilig ko.
Pinatayan na naman ako ng cellphone.
"Karding, balik na sa amo mo. Pinatayan ako ng cellphone. Pakisabi, ang payat nya. Wag maghuhubad at baka mapulmonya."
"Pano yung SURIRU?"
Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Ano?"-Takaki slow.
"Ay, mga girls, si Tikboy pala."-ako
"Akala ko ba, Karding?"
"Oo nga."-ako
"Iba si Karding. Pandak yun."-Takaki "Sige, Yel, balik na ko. Nakakapagod tong ginagawa nyo sa kin. Cebu to Manila. Tsss."reklamo pa nya.
"Mareklamo!"
"Ay, eto pa pala. Baka bigtihin ako nun."
May iniabot sya sa aking box.
"Bye bye~!"
Lumayas na sya.
Bakit kaya itim ang buhok nun? Nakakapanibago.
Napatingin ako sa box na hawak ko.
Di naman kalakihan. Parang lalagyan ng fountain pen pero malapad nang kaunti.
Ganun ang itsura nya.
"Buksan na yan!!"sabi nila.
Binuksan ko naman.
Ballpen kaya to?
Kwintas.
Ah...
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...