Traffic 61

90 0 0
                                    

-Mariel POV-

"Yel... Gising. Wui..."

Naramdaman kong may tumusok-tusok sa pisngi ko.

"Nu ba yan? Inaantok pa ko."sagot ko saka pinalis ang tumutusok sa pisngi ko.

Mamaya pa ay parang nag-register sa utak ko ang boses na gimigising sa kin. Dumilat ako.

Si Kota...

Tama. Sya lang naman ang may ganun ka-cute na boses.

Teka. Nasan ako?

Kinuskos ko ang mata ko pagkatapos bumangon. Tumingin sa labas. Maliwanag pa pero hindi ko alam kung nasaan ako.

Kama?

Paksyet!!!

Nanlalaki ang matang tinignan ko si Kota.

Tinaasan lang nya ako ng kilay habang naka-ngiti.

"Malapit nang mag-tanghalian. Anong gusto mong kainin?"

Inabutan nya ako ng karton. Menu.

Bangag pa ko. Naghikab ako.

Recap... Nagpaalam sya kay mama, inempake ni mama yung iba kong gamit, pinabitbit kay Kota pagkatapos ay nakatulog sa byahe.

Kasalanan to ni mama.

Bakit ba lagi na lang akong ipinamimigay ni mama sa mga hapon na to?

Napatingin ako sa naka-sando lang na si Kota na nakatayo sa dulo ng kama. Fresh na fresh. Buti pa sya. Samantalang ako... tulog-tulog lang. Kiber sa Earth.

"Hindi ako kasama sa menu."sabi kaagad nya pagkatapos akong kindatan.

"Yabang mo."sabi ko pero feeling ko, mapulang-mapula na yung mukha ko.

"Bilis na. Sayang yung libreng breakfast."

"Basta yung pwedeng pandalawang tao."sabi ko pagkatapos at nahiga ulit sa kama.

"Takaw nga, sobrang gaan naman. Saan mo ba nilalagay yung kinakain mo? Wala namang napupunta sa height saka sa b--"

"Ituloy mo pa."

Ngumiti sya saka dinampot ang telepono.

"O-order na nga. Ingay mo."sabi pa nya.

Nagtakip ako ng kumot.

Nag-iisip kung paano ako napunta sa kwartong yun.

Ang natatandaan ko... Natutulog si Yabu sa sasakyang service yata nya. Katabi ako.

Habang nakahawak sa kamay kong pawis na ay ayaw pang bitawan.

Tapos... Ano ba?

Pumikit ako kasi, puyat nga ako.

Pagkatapos nun...

Nandito na ko sa kama!

Pinakiramdaman ko ang sarili. Kompleto pa. May underwear pa ko!!!

"Yel."

Kagulat. Makatawag naman.

Tinanggal ko ang kumot. "Bakit?"

Naupo si Yabu sa dulo ng kama.

"Bakit ayaw mong sumama sa akin sa Japan?"tanong nya.

Nagtakip ulit ako ng kumot. Ang cute e. Parang gusto kong sumama sa kanya ngayon din papuntang Japan kung ganun lagi ang itsura nya. Mukhang nagpapaawang tuta.

"Eh kasi nga..."

"Ayaw mo sa kin?"-Kota.

Assuming.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon