-Yabu POV-
Mamayang hapon na uuwi sila Shoon.
May ipinabili sa akin ni Koyama.
At ipapadala ko pa yun sa magkapatid.
Mauuna kasi sila bumalik ng Japan.
Kailangan na daw ni Koyama yun para sa birthday ni Massu.
Weird.
Sila na ba?
Ano ba yan?
Nahahawa na ko ng utak sa batang maliit na yun.
"Kumusta ang naging date?"
Yan ang bungad sa akin ni Shoon pagkapasok ko sa kwarto nila.
Walang pakialam si Reon sa akin na type nang type sa cellphone nya.
Baka blog na naman.
"Date? Ipinakanta nyo ko sa concert nyo."
Hindi naman sa nagrereklamo ako.
Pero parang ganun na rin.
Tapos ngayon...
Nagtext si Kei na kasama nila si Yel.
Yel?
Close na kami?
Nagtext din si Hikaru.
Ganun din ang sinabi.
Pati si Daiki.
Concern?
Naaaaaah.
Kung concern sila, dapat ako na lang pinapunta nila dun.
Dapat di na sila kasama.
Selfish.
Ewan.
Basta.
Nakakaloko pa naman si Chinen.
Di ko mapatulan kahit naiinis na ko.
'Selos ka lang kay Chinen.'
Napatigil ako.
Napatingin kay Shoon.
"Hoy Yabu! Hanggang kelan mo balak tumulala?"
Iniabot ko sa kanya ang paper bag.
"Pakibigay kay Koyama Keiichiro."
Napakunot noo sya. "Bakit hindi pa ikaw?"
"Baka kasi sa isang linggo pa kami umuwi."
Tumango si Shoon.
"Pano na yan?"
"Alin?"
"Si Mariel."
"Bakit?"
Tinitigan nya ko.
"Ano?"tanong ko.
"Alam mo..."
"Hindi."
"Ang sarap mong sipain sa mukha minsan nang matauhan ka."
Ano na naman kaya sinasabi ng pervert na to?
"Ewan ko sayo."
"Mas ewan ko sayo."
"Basta, ibigay mo kay Koyama yan. May pupuntahan pa ko."
"Sige."
"Mag-ingat kayong dalawa. Hoy Reon, pakitali yang kapatid mo. Nanghaharass yan ng babae."
Nag-thumbs up si Reon.
"Hoy! Mabait ako!!!!"
Tumango lang ako saka lumabas na.
Text.
'San na kayo?'
GM yan.
Marunong ako mag-GM.
Minsan kasi, walang nagrereply pag isa lang ang tinext ko.
'SM North sa McDonald's.' -Hikaru
'North. McD.' -Keito
'McDonalds po. sa SM North.' -Yuto
Pare-pareho ng text.
Anong nakain ng mga 'to at lahat yata sila, nagreply sa akin?
Diretso sa mall.
Mabilis ako maglakad.
Para saan pa ang long legs ko.
Naka-shades lang ako.
Hanap.
McDonald's.
Ang ingay nila.
Madaling makita.
Nakaakbay pa talaga si Chinen kay Yel.
Tutuloy ba ko?
Baka mabadtrip lang ako.
Psss...
Sige na nga.
Nakita na nila ko eh.
"Hoy, Daiki! Bulok joke mo, iba naman!"
Yan ang inabutan kong sigaw ni Mariel.
O Yel.
Bahala na.
"Anong joke na bulok?"tanong ko.
Ano ba malay ko sa pinag-uusapan nila?
Mamaya, pati ako nadadamay sa kalokohan ng mga 'to.
Lumingon sa akin si Yel.
Kita mo 'to.
Tulala na naman.
Nakanganga pa.
"Guys, pakitaas paa nyo." -sabi ni Keito.
"Ha?" -Takaki
"Bakit?" -Inoo
"May nalaglagan ng puso." -Chii
Naghigh five sila ni Keito.
"Pakipulot naman yung puso ni Yel." -Yamada
Tumawa si Yuto pero nakataas talaga paa nilang lahat.
Nakitaas na din ng paa si Hikaru.
Pero wala sa joke nila ang atensyon ko.
Nasa kamay ni Chii.
Ano ba talaga gusto ng maliit na lalaking 'to?
"Dumating ka!" -Kei
"Syempre, malakas ka sa kin eh."sabi ko saka inalis ang kamay ni Chii sa kunsaan man nakapatong yun.
Pakialam nyo?
Kanina ko pa nga gustong tanggalin yun.
Lumayas si Chi sa tabi ni Yel.
Tumayo si Takaki.
Tumabi ako sa kanila.
Nakatitig pa rin si Yel.
Hahalikan ko yan.
Ang dami ng utang nyan sa akin na titig.
Bumuka ang bibig nya.
"Si Yabu yun di ba?!"
Napatingin sila Yamada sa nagsalita.
Napailing si Yuto.
Nagkatinginan kaming lahat.
"Dead. One. Two. Three." -si Hikaru nagka-countdown.
Alam na.
Tumayo na ako saka nginisihan ang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...