-Keito POV-
"Saan naman tayo dadaan?" -Chinen
"Nasan na ba si Yabu?" -Daiki
"Bakit ba lagi mo na lang hinahanap si Yabu?" -Takaki. "Kayo na ba? Buntis ka ba?"
"At ikaw pa talaga nagsabi nyan, Takaki." -Yamada na pigil na pigil ang tawa.
'Ang daming babae. San kami dadaan?'
Di na daw makapasok yung tricycle driver dahil may shooting sa basketball court.
No choice.
Naglakad kami.
Sinundan lang naman namin si Yabu.
Pinasundan ni Inoo.
Nagseselos yata e.
"Ninja moves!"-Chinen
Dahil maliit, mabilis na nakasingit sa lupon ng mga fangirls ni Miura.
"Wui Carding antay!" -Yamada
Di kami pwedeng sumigaw ng totoong pangalan namin.
Baka kuyugin din kami dito.
"Bentong, bilis na!"-Daiki
"Dodi, antayin mo ko, naipit tsan ko." -Takaki
Ang babaho ng pangalan na naisip ng mga 'to.
Nagmamadaling hinatak namin si Takaki sa dagat ng mga babae ni Haruma.
Napatingin ako sa nagsu-shooting.
Si Takeru?
Haaaaaa?
Kaya naman pala ang daming babae.
Haru-Take combo ang may scene.
Kailan pa kaya dito si Takeru?
Sus. Bakit ba pinoproblema ko yan.
Mas kailangan kong problemahin kung pano kami sisingit sa mga fangirls na 'to.
Pano kaya nakasingit si Yabu dito?
Ang tagal namin na-stranded dun.
Diretso sa tower.
Lakad.
Takbo.
Lakad.
Takbo.
Nawala na si Takaki.
Kabagal talaga ng buntis na yun.
Nagkagulo ang mga manok nung dumating kami.
Sabay-sabay pa kaming napa-preno nang makarating malapit sa tindahan.
Si Yabu at...
Yel...
Sa tindahan...
Whatda...
"Ay grabe."-Chinen na abot hanggang batok ang pagkakangiti.
"Wew."
Yan lang ang masasabi ko.
"Ang bilis ni Yabu."-Daiki saka kumuha ng monoblock.
"Wala pa yatang fifteen minutes may ganyan na?"-Yamada na ipinatong pa ang kamay sa likod ni Daiki.
"Naipit lang tayo sa Fangirl Sea, may kissing scene na kaagad?!"
Ayan si Takaki.
Dakilang late na, stating the obvious pa.
Nakahalik si Yabu kay Yel.
Di ko alam kung matatawa ko dahil nakatakip yung isang kamay ni Yabu sa mata ni Yel.
Walang pakialam sa amin.
"Wala akong dalang petals."
"SHHHHHH!!"
Bawal namin kay Takaki.
Geeeeh...
Mang-inggit pa 'tong dalawang 'to.
Teka nga.
Nilabas ko ang cellphone.
Silent mode.
Click.
Click.
Click.
Sige. Pwede na 'to pang-blackmail kay Yabu pagkadating namin sa Japan.
Speaking of Japan.
Kaya nga pala kami sumunod kay Yabu. May pinasasabi si Inoo.
Ano na nga yun?
Mamaya na nga.
Enjoy pa si Pareng Yabu sa kiss e.
Itinaas ni Daiki ang cellphone nya.
Ganun din yung tatlo.
"Pa-bluetooth."
Napalingon ulit kami sa dalawa.
Namumula si Yel.
Haha.
Epekto ni Yabu.
"Ngayon mo ko pwedeng tawagin na Kota."
Ewan ko o namin kung bakit yun sinabi ni Yabu.
Basta mukhang kamatis si Yel.
Pano kaya kung asarin pa namin lalo.
Napatingin ako kay Daiki.
"Spell kamatis."sabi nya.
"M-A-R-I-E-L."sagot ni Chinen
"Di ba, K-A-M-A-T-I-S?"-Takaki
Napailing ako.
Masarap kayang batukan si Takaki?
Gusto kong itry minsan.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...