Traffic 6

148 7 0
                                    

-Yabu POV-

Napatingin ako sa conveyor belt. Parang ang tagal naman ng maleta namin.

"Yuto dun tayo dali!!!"sigaw ni Chinen na nakasakay sa paglalagyan ng maleta namin.

Kaagad na itinulak ito ni Yuto.

Bored na din siguro.

Dumukot ako sa bulsa ko.

May 30,000 ako sa bulsa ko.

Prepared.

Pumunta ako sa money exchange malapit lang sa kanila.

Ayos. Malaki 'to.

Bumili ako ng simcard at 300pesos na load.

Nilingon ko ang mga kasama ko.

Aayain ko sana si Hikaru pero mukhang busy pa sya sa pagkukwento ng buhay nya kay Inoo.

Ang iba ay seryosong inaantay ang mga maleta. At si Yuto at Chii...

Lumabas ako.

Pumara ako ng taxi.

"SM North..."sabi ko.

Ilang minuto ang nakalipas...

Sobrang bagal.

Napatingin ako sa taxi meter.

.50

.50

.50

Ang bilis pumatak.

Traffic naman sana.

Malakas radyo ni manong.

May mali yata dito.

"Kuya, saan may bus papuntang SM North?"tanong ko.

Itinuro nya ang bus malapit sa tabi namin.

Kaagad akong kumuha ng pera.

Kuso.

400 na yung ganun-ganun lang?!

Umaambon.

Pero ayos lang.

Ambon lang yan.

Suot ang mask, tumakbo ako papunta sa bus.

May matandang pababa.

Bumaba ulit ako. Saka ko sya tinulungan.

Mukha kasing buong tindahan ang dinala nya.

Pagkaakyat ko sa bus, naupo kaagad ako sa unang upuan na nakita ko.

Katabi ng babaeng nagsusulat.

Seryoso sya.

Pumikit kaagad ako pagkaupo ko.

Ang sakit sa ulo.

Nadaya pa ko sa metro ng taxi.

Badtrip.

Di ako makatulog.

May nakatingin sa kin.

Ayan...

zzzzzzzzz...

"Kuya, sa tabi lang!!!"

Napadiretso ako ng upo.

Nakatulog na pala ko.

Napatingin ulit ako sa babaeng sumigaw.

Parang nakita ko na sya...

San nga ba?

Lumihis ako ng pagkakaupo.

Dadaan kasi sya.

"Miss, daan na."

Nakatitig lang sya.

May bayad bawat titig sa akin.

Nakakarami na 'to ah.

"Miss!"

Mukhang natauhan naman sya.

Nagmamadaling bumaba.

Babalik na sana ako sa pagtulog nang may sumigaw ng pangalan ko.

"Yabu!!!"

Si Shoon.

Bakit nandito 'tong pervert na 'to? Papalapit sya sa akin.

"Loko ka. San ka pupunta?"

"Kahit saan--"

Teka.

Yung babae.

Lumingon ako.

Ang layo na nya.

Pero nakatayo pa rin sya sa ulanan.

Sya yung...

"Imposible..."

"Ha?"

Napangiti ako.

Posibleng sya yun.

"Ang weird mo, Yabu. Alam mo bang nandito si Haruma para sa bagong drama?"

"So?"

"Free ka ba ngayon? Guluhin natin!"suggest ni Shoon.

Magaling na suggestion.

Pumayag ako.

Wala akong gagawin.

At siguradong malilibre ako ngayong araw.

May kapalit naman pala yung pagkakadaya sa akin nung taxi driver.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon