a/n: uweeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!! Happy 1 year sa amin ni Yabu---- i mean sa istoyang ito. Pero di ito ang "one year celebration" post ko. Kelangan bongga. Kelangan lahat ng CAST kasali. Pero di ko afford ang talent fee nila pag sabay-sabay sila sa iisang chapter.
Advance Happy Birthday MKAG, aka, KAYETO.
Omataseshimashita.
-Yel POV-
Tumingin ako sa orasan.
Bumuntong hininga.
Nag-umpisa na ulit akong mag-type.
"Seryoso. Ano ba meron sa wallclock at tuwing napapatingin ka, hindi pwedeng hindi ka bumuntong hininga? Nakakailang page ka na ba? Hindi mo ba naaalala na ngayon ang araw ng sweldo mo? Kung nawala sa isip mo dahil lagi kang nakikipagkita sa lalaking matangkad na maliit ang mukha na yun, ipapaalala ko ulit sayo. Pag natapos mo yang trabaho mo, pasuswelduhin kaagad kita pagkatapos na pagkatapos ng huling tuldok ng itatype mo."daldal ni ate.
In one breath.
Bumuntong hininga ulit ako.
Araw ng sweldo.
Bakit parang hindi naman ako masaya?
Araw ng sweldo, nasa Japan ako. Kahit anong single. O kahit album, makakabili ako. O concert goods. Tutal, may concert naman sila. Kahit na hindi ko na sila mapanood mag-concert. Makabili lang ako ng pamaypay na may pagmumukha ng ichiban ko, masaya na ko.
Teka...
Sino nga ba ichiban ko?
Napatigil ako sa pagtatype.
Tumingin sa page na kinokopya ko. Saka sa screen ng laptop.
Bakit naisulat ko yung iniisip ko?
'Sino nga ba ichiban ko?'
Binura ko ulit.
Kaunting page nalang naman at pwede na kong makasweldo.
Iniwasan kong hindi tumingin sa orasan. Pinilit kong tapusin ng mabilis ang ginagawa ko. Alam ko kung anong oras ang concert. Pero naka-american time ang gamit kong laptop. Hirap magbilang ng tamang oras kaya sa wallclock ako laging tumitingin.
Last page...
Last paragraph...
Last sentence...
Last word...
TAPOS NA!
Tingin ulit sa wallclock habang nag-stretch.
Tatlong oras bago ang concert.
"Tapos na?"tanong ng kapatid ko.
Tumango ako. Saka medyo kumembot-kembot. Ang sakit kasi ng balakang ko.
"Ano yan, sasayaw ka sa concert?"
"Concert? Stretching to. Baka sakaling tumangkad pa ko."
Inabutan nya ako ng isang sobre.
Seryoso talaga syang ibibigay nya sa akin yung sweldo, pagkatapos sa ginagawa ko?
"Advance ng one hour yung wallclock."
"Haaaaaaa?!"
Ibig sabihin...
Apat na oras pa bago ang concert? Pero...
Wala akong pera.
Bibili na lang siguro ako ng concert goods.
Makapagbihis na nga nang magmukha akong normal na tao. Bibili ako ng concert goods at bagong single. Siguro naman, kasya para doon ang sinweldo ko.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...