-Yabu POV-
Sira ulong Okamoto.
Naisahan ako netong lokong 'to.
Hindi nya ako pinapansin kahit magkatabi kami. Busy sa paglalaro ng iniwang game ni Takaki.
Di ko alam kung ano gagawin ko dito.
Tumunog ang cellphone ko.
"Bakit?"
[Nasan ka? Umalis ka daw? Iinom tayo!]
Napangisi ako.
TAGAPAGLIGTAS!!!
Si Haruma.
Kailangan ko nga ngayon ng kausapang lasing.
"Tayo lang?"
[WAHAHAHA. Bakla ka talaga. Kasama si Shoon. Kung rape-in mo ang kagwapuhan ko?]
"Sira ulo. Nasa... Keito, san nga 'to?"
"Carlos."sagot ni Keito.
"Nasa Carlos ako. Sa computer shop. Kung ako na lang kaya ang pumunta--"
[Wag na. Alam ko yan. -Ano daw? Lika na!-]
"Teka. Wag mong sabihing kasama mo na si Shoon ngayon?!"
Napalakas pala boses ko.
[Syempre. Para mahiya ka namang rape-in ako.]
"Baka ikaw ang nanre-rape. Haha. May pa-i miss you i miss you ka pa nung nakaraan."
[Ang landi nyong dalawa. Hoy Haruma, ano ka ba? Kabagal mo maglakad?!]
"Nagseselos na si Shoon! WAHAHAHA."
Napatingin ako sa likod ko.
Dun sa babaeng maliit na malakas tumili ng 'Taiyou' kahapon.
Pagkatapos nyang...
Tsk. Ewan. Tili nang tili sa ibang lalaki.
Nakakainis.
Hindi sya lumilingon pero nakatitig lang sya sa Facebook nya.
Nagsasayang ng pera.
Pinagbabaan na ko ng cellphone nung dalawa.
Ilang minuto pa...
"Kuya, nabayaran na ba 'to nung lalaking buntis?"tanong ni Keito.
Nag-stretching.
"Nag-iwan ng 250."
"Magkano pa po natira? Out na po ako."
"May natira pang... 155."
'Takte, tapos na nya yung game?'
Napatingin ako sa screen.
Tapos na.
"Add nyo po, dito."
Itinuro nya yung babaeng maliit.
Mariel.
Oo na.
Alam kong Mariel pangalan nya.
Pati ba naman si Keito?
Naiinis na ko.
Lalabas na sana ako nang biglang may pumasok.
"Yabu!"salubong sa 'kin ni Haruma.
Napatingin lahat sa kanya ang tao sa shop.
Sumilip din si loko sa loob.
"Oi, miss! Hello!"
"Ay! Sya yung nag-shooting dito nung nakaraan, di ba?" -kuyang nagbabantay ng shop.
Shooting?
Kelan?
Saka... Bakit kilala nya si Mariel?
Ano bang meron sa babaeng yan?!
"Haruma, nambabae pa-- Ay miss, salamat last week!"
Isa pa 'tong si Shoon.
Seryoso.
Di ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...