Traffic 29

90 0 0
                                    

-Mariel POV-

Ang hirap nang ganito.

Wala kang mapagsabihan ng happenings sa life.

Sige.

Try nating mag-FB.

Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko.

Refresh.

Wala na bang balita bukod sa di sila nakapanood ng concert ng Cielbleu?

Inip.

Tweet.

'Masaya ako. Masaya ka ba?'

Waaaaaah.

'Di ako maka-get over. Di naman yun panaginip, di ba?'

Nakakadalawang tweet na ko bored na agad ako.

"Pabili po."

Nagbaba ng 1.25 yung bata.

Bahala ka kumuha.

Abot mo na yan.

"Ang sama talaga ng tinderang 'to."

Muntik na kong malaglag sa upuan.

Utang na loob.

Bakit ganyan?

Hindi pa nga ako maka-get over sa concert ng Ya-ya-yah.

I mean ng Cielbleu...

Nasa harap ko naman ngayon ang pinakamabait na hapon.

Si pareng Keito.

Ang sama lang...

Nakauwi at nakauwi kami, di man lang sinabi ni Chinen yung secret nila.

Hanggang ngayon tuloy, bukod sa bangag ako sa mga pangyayari sa buhay ko...

Pati yung naaamoy kong Yuma, iniisip ko.

Bakit kaya parang pinagtutulungan ng mga gwapong cute at maganda si fafa Yabu?

Yung totoo, ayaw ba nila kong maging masaya?

Sinusungitan nga ako nung mamaw na matangkad pag lang naman...

"HOY!"

Tulala.

"Keito."

Ngumiti si Keito. "Yes?"

"May hindi ka sinasabi sa 'kin?"

"Close tayo?"

Sinimangutan ko sya. "Hindi ba? Lumayas ka na. Wala nang uling."

Tumawa sya.

"Ano? Di pala tayo close, pagtatawanan pa ko. Uwi na sa Japan!"

"Galit kaagad. Sumama ka sa amin."

Kulang na lang, lumuwa yung mata ko sa eye socket sa narinig ko.

Sama daw ako.

My gaaaaaaaaaaash!!!

Japan Japan.

HERE I COOOOOOOOOOOOME!!

"Amin? Sa Japan? Trip to Japan?"

Lalong tumawa si Keito.

Teka.

Kanina pa ko ginagawang clown netong singkit na 'to.

"Sasama ka lang sa amin mag-mall."

Tawa pa rin sya nang tawa.

Wagas ampupu.

"Bakit 'sa amin'?"

Ngumiti sya.

"Eh kasi nga, hindi tayo masyadong nakapag-usap dahil busy ka sa panonood ng concert."

Paliwanag nya.

"Gusto nyo lang ng libreng clown."naghihinalang sabi ko.

"Hindi ah! Ililibre ka namin!"

"See? May bayad pero clown talaga."

Nag-tweet ako.

'CLOWN ba ko? Ang sama mo k__________o.'

Dumaan si mama sa tindahan.

"Tita, pahiram si Yel."

Yan ang paalam ni Keito.

Close na sila ni mama.

Urat.

Ano ba yan.

Feeling ko, ka-close na ni mama yung buong group.

"Ibalik ng kompleto."sabi lang nya pagkatapos tumango at kumuha ng barya.

See?

Ganyan sila ka-close.

Halos ipamigay na ko ni mama.

Nginisihan ako ni Keito.

Parang nagsasabi na...

'Ako talaga partner mo dito.'

"Ligo na! Dali!"

"Kapal mo. Naligo na ko. Nakalimutan ko lang magsuklay."

"Bihis na. Kung ayaw mong kaladkarin kitang ganyan ang itsura mo."

Seryoso sya.

Parang yung itsura ni Yabu nung kinaladkad nya ako sa concern nila Shoon.

Haaaaaaay.

Yabu na naman.

May araw bang di kita iisipin?

Tumingin ulit ako kay Keito.

"Bilis na."sabi nya.

"Clown na naman ang hanap nyo--"

"Yel..."

"Yes. Tatay Keito."

Damit.

Damit.

Hindi po ako nagmumura.

Naghahanap po ako ng damit.

Dyaraaaaan!

Ay, ampangit.

Hanap pa.

Sige.

Ang init.

Binuksan ko electricfan.

Hanap ng damit.

Palit.

Tingin sa salamin.

Hindi ko type.

Ano ba yan?

Makikipagdate?

Madami naman kasama ko.

Speaking of mga kasama ko.

Ang lakas ng loob ng mga yun. Mall pa talaga gusto maglibot.

Well, san pa nga ba sila pupunta sa mabatong Kalakhang Maynila.

Sana nandun si Yabu.

Haha.

Makahiling eh.

Eh di stand out kaagad kami.

Literally.

Ang tangkad eh.

Sana di sya kasama.

Kinakabahan ang pusong fangirl ko pag alam kong malapit lang sya eh.

Naks.

Pusong Fangirl.

"Yeeeeeeeeeel!!! NAKATULOG KA NA BA?!"

Si Keito.

Lakas bunganga.

Spell at home.

K-E-I-T-O.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon