-Mariel POV-
"Pwedeng makipagtextmate?"
Tinitigan ko ang cellphone ko pagkatapos kong basahin ang message.
Unknown number.
Kanino naman nya nakuha ang number ko? O sinong halimaw ang nagpamigay ng number ko?
Wala akong panahon makipagtextmate at wala din akong panahon para magpaload dahil wala akong pera.
Naikain ko na ang combong pera ni Buntis at Miura.
Ang tagal na kaya nun.
Two weeks ago pa.
Katulad ng huling tawag ni Yabu.
Naghikab ako.
Nakakaantok naman yung panahon.
Tumingin ako sa labas.
Umuulan na naman.
Masarap matulog neto e.
Nakabantay naman ako sa tindahan.
Itinabi ko ang cellphone ko.
"Pabili..."
Napalingon kaagad ako.
Ang gwapo ng boses.
Ngeeeeee...
Deja Vu ba 'to?
Oh well, wala naman ako sa bus.
Nasa bahay ako.
Sino na nga 'to?
Pilit ko syang kinikilala sa nakatakip nyang sumbrero at suot na shades.
Hindi naman si Haruma.
May nakasabit syang headphones sa leeg...
"Pabiling uling."
Napakunot noo ako.
Uling?
Eh naulan nga.
Saan naman sya mag-iihaw?
SA LOOB NG BAHAY?
Lakas trip naman nito.
Umubo sya.
"Alam kong gwapo ako pero wag naman sanang ganyan tumitig."
"AAAAAH!"
Napakunot noo ako nang ngumiti sya.
"YAOTOMEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!"
Nadaan sa sungki.
Bakit kaya itim na ulit buhok nya?
Saka...
Ano ginagawa nya dito?
Kasama kaya nya si Yabu Tsundere?
"Ako lang."
"Ha?"
Ngumiti sya.
Nabasa kaya nya iniisip ko?
"Nasa mukha mo kasi."
Kowai... Nababasa nga nya isip ko.
"Hoy Yel, may inaasikaso kasi kami malapit dito. So, naisip kong daanan ka."
Nakahinga ako ng malalim.
Hindi naman pala nya nababasa iniisip ko.
"Daan na."
Nakangising sabi ko.
"Tinawagan ka na ulit ni Yabu?"
Umiling ako.
"Ah... Yappari..."
"Eh?"
Umiling sya saka ngumiti.
Hala 'tong si Liwanag, kung makangiti, inaakit ako masyado.
'Feelingera lang, ate?'utak kong baliw.
"Ano naman inasikaso mo dito?"
Nag-isip sya.
Ngumiti.
Ayoko na...
Di ko alam kung matatawa ako tuwing sumisilip yung sungki nya o maiinis sa pagkakangiti nya.
"Himitsu..."
"Ah... Yaotome-kun..."
Napatingin ako sa tumawag sa kanya.
"Chotto!!"sigaw ni Hikaru.
Init ulo?
Sigaw agad?
"Anou... Yel..."
"Hmmm?"
"Babalik ako para makipagkwentuhan."
Tumango lang ako.
Umalis na sya.
Parang ang weird ni Hikaru ngayon.
"Ewan. Di naman kami close."
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...