Traffic 52

84 0 0
                                    

-Yabu POV-

Pagkababa ng mga maleta mula sa conveyor belt ay inayos ko na ang damit ko. Pang ilang araw na damit ba to? Bakit parang ang dami ko yatang dala?

Lalakad na ko papalayo sa kuhanan ng maleta nang may humawak sa braso ko.

"Wag excited."

Napatigil ako.

Nilingon ko kung sino ang humawak sa braso ko. Yung batang pinalaya sa Zoo para magperform.

Oo. Pagkatapos ng tatlong buwan ay nakabalik na din kami sa wakas ng Pilipinas.

Hindi ako excited.

Ayoko lang makita ang pagmumukha nila ng matagal. Nakakasawa.

Inayos ko ang cap saka nagbukas ng chewing gum.

"Para kang kambing."sabi ng isa pa.

"Pahingi~"

Walang paalam na may nagpasok ng kamay sa bulsa ng jacket ko.

"Okaneeeee~~"sigaw ng isa nang mailabas ang kamay mula sa bulsa ko.

Inilabas nya ang 1000yen na sukli sa akin kanina nung bumili ako ng magazine.

"Yama-chan, ikouze..."

"Hoy! Bakit ako tagatulak? Nasan na ang pinagmamalaki nyong abs?"reklamo ni siopao.

"Eto na nga~~"

"Kaya ko na."

"Takaki, ilang beses bang ipinaaalalang buntis ka?"

"Kabwanan na ba yan?"

"Ano bang bata yan? Two years na yata sya sa tsan mo."

"Okay na ba yung mga maleta?"

"Kay Okamoto na lang."

"Iwan na yan."sabi ko.

"Okaaaaaay!!!"sagot lang nila pero walang gumagalaw sa pwesto nila.

"Ayan na Gori yung maleta mo!"

"Hindi ako si Gori."sagot ni Keito habang hinahatak ang sariling maleta.

"Yabu, wag kang tatakas. May briefing pa tayo. Pagkatapos, titignan pa natin yung venue--"

"Seryosong tanong Inoo, kailan ka pa na-promote na manager?"

Nag-okay lang sya.

Napabuntong hininga na lang ako.

--------------

Second Day

Arrangements, venue...

Pagod na ko.

Hindi pa rin kami pinapayagang umalis ng solo.

Kailan ko ba makikita yung batang maliit na yun?

Ang boring...

Kasalukuyan akong nakatambay sa dressing room. Sakop ko ang isang buong sofa habang nakahiga at nakapikit. Kanina pa ko nandito pero hindi ako makatulog.

"Pasaaaaaa!!!"narinig kong sigaw ni Hikaru.

"Keito, mali yan. Dito iikot."

"Ryuuuuuuu!!! Nasan si Ryuu?"

"Hikaru yung bola!!!"

"Araaaaay!"

"Ryuu-chan where is you~?"

"Kaliwaaaaa!!!"

"Kanaaaan."

"Uh-owwww~"

"Hinahanap nyo daw ako?"

"Ryuu-chaaaan!!!!"

Utang na loob.

Paano ko makakatulog nang ganito? Sobrang ingay. Daig pa nila ang isang buong section ng highschoolers.

"Neh, Hikaru, may sinabi ka kahapon tungkol kay Yel---"

Yel daw.

Muntik na kong mapabangon.

Biglang tumahimik.

Hindi ako dumilat o maski tinignan sila. Pero mukhang may itinatago na naman sila sa akin.

Kung gaano sila kaingay kanina, ganun naman sila katahimik ngayon.

Dumilat ako.

Bakit si Inoo Kei lang ang nandito?

Nakaupo sa paanan ko habang type nang type sa keyboard ng laptop nya.

Delusion ba na may maingay sa kwarto?

"Anong oras na?"tanong ko.

"Ha?"nilingon nya ako saglit pero bumalik ulit ang tingin nya sa keyboard. "9:15."

Fifteen minutes palang akong nakapikit. Akala ko naman, dalawang oras na.

"Nasaan sila?"

"Kakain daw."

"Kakakain lang natin."

Huminto sya sa pagta-type. "Wala ka namang magagawa kung gusto nilang kumain."

"Pwede bang umalis?"

Tumango sya.

"Kailan pa?!"

"Kanina pang 9AM. Inaantay ka yata nila kanina kaya sila nandito."

"Bakit di mo ko ginising?!"

"Busy ka kaya magtulug-tulugan."

Minsan, ang sarap isampal kay Inoo ng katalinuhan nya.

"Labas tayo?"tanong ko.

Di ko alam kung bakit mali ang pagpili ko ng sasabihin. Masakit pa ang ulo ko.

"Sorry, may girlfriend na ko."seryosong sagot nya.

"Sira ulo! Ibig kong sabihin kung gusto mong sumama lumabas at hanapin yung mga yun."

"Sus. Di mo naman sila hahanapin. Pu-pun-ta ka lang kay Ma-ri-yel."

"Urusai!!!"

Natawa si Inoo. "Ano ba tong tinatype ko? Lumayas ka na nga! Naitype ko tuloy yung sinasabi ko."

'Kakain daw kayo?'

Yan ang text ko sa kanila.

Naupo muna ako saglit sa harap ng building at inantay ang text nila nang may lumapit na tatlong babae.

"Anou... Yabu desuka?"tanong nung pinakamaliit.

'Fangirls.'sa isip-isip ko at di sila nililingon habang nakafocus ako sa cellphone ko.

"Ha?"sagot ko.

"Are you Yabu from Hey! Say! JUMP?"

"Yabu. Hey--- Ano? Sorry, miss. Baka kamukha ko lang."sagot ko.

"Ay. Pinoy pala. Akala ko naman si Kota."

'Kota?'

Kailan kaya kami naging close nito?

"Ay, sorry po sa abala. Ha-ha."

Umalis na sila.

( an: Rude Yabu is rude... =.= )

Ang tagal naman magreply. Nasaan na ba si Okamoto? Malaman ko lang na nagpunta sya kina Yel, ibabalik ko talaga sya sa Zoo.

'Mall. May CD pala ng Kisumai dito?'reply ni Takaki.

Nagmamadali akong nag-commute. Mainit pa rin.

Bakit hindi pa nila pinapa-aircon ang bansa nila?

Nag-ring ang cellphone ko. Si Keito.

"Nasa mall kami. Hiwa-hiwalay lang para hindi pansinin."

"Sige."

Ibababa ko na sana nang magsalita sya ulit.

"Tinawagan mo na ba si Yel? Sinabi mo na bang nakabalik na tayo?"

Napaisip ako.

By this time... alam na siguro nyang nakabalik na kami.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon