-Mariel POV-
"Ilang buwan ba kita iniwan at parang hindi ka kumain?"
Mula sa pinggan ng libreng eat-all-you-can ay tinignan ko si Yabu. Sabi ni mama, don't talk when your mouth is full kaya nginitian ko lang sya.
Kumuha sya ng tissue saka pinunasan ang bibig ko.
Ang sweet.
Shet. Kinikilig yung internal organs ko.
Pagkatapos ng performance nya. Kanta, sayaw, hiproll -na favorite part ko. Kulang na lang, mag-acting sya kanina sa cinema. Kumakain kami ngayon.
Well, kumakain sya. Lumalamon ako. Masarap ang libre.
"Pansinin mo naman ako."sabi nya.
Nilunok ko ang nasa bibig kong karne. "Pinakakain mo ko tapos sasabihin mong pansinin kita."
"Kanina naman kasi, sa akin ka lang nakatingin."
Leche. Pakitapon sa ilog lahat ng tsundere.
"Eh kasi naman po, Lolo Kota, ikaw lang mag-isa dun. No choice naman ako--"
"Kaya hindi ko sila isinama."
Nanlaki ang mata ko. "Ang unfair mo!"
"Bakit?"
"Ayaw mong makita kong live na nagpeperform ang buong group? Pinauwi mo na kaagad sila habang pinakidnap mo pa ko kina Hikaru na naka-taxi lang. Tinakot pa nila ako nang may papatay-patay pa ng ilaw. Ikaw lang pala yung bigla nag-matataku hoshi ga. Alam mo bang ang awkward nun na hindi ko man lang alam kung saan titingin na iba kundi sayo---"
"Urusai!"
Ako pa ang Shut up?
"Tumatalsik sa mukha ko yung kanin."
Napatitig ako sa mukha nya.
May kanin nga.
"Sorry."sabi ko saka tinanggal ang kanin sa mukha nya.
Hinawakan nya ang kamay ko.
Feeling ko, bumalik yung karne sa lalamunan ko. Hindi na naman ako makahinga.
"Ang sweet."
"Ui, holding hands!"
"Pasali!"
"Pasali din ako."
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...