Traffic 23

87 1 0
                                    

--Mariel POV--

Bukod sa puyat at bangag ako...

Pagod din ako.

Pagod na pagod na ko sa pakikipag-deal sa mga hapon na 'to.

Si Chinen, kundi pa sinundo ni Yamada, di pa uuwi.

At si Yabu...

Eto na naman sa tapat ng bahay namin.

Nakaupo sa monoblock at ini-intimidate ang mga bibili.

"Yabu..."tawag ko sa kanya.

Umuwi din sya kagabi pero maagang bumalik.

Nilingon nya ako.

"Kung di mo mamasamain, pwedeng pumasok ka na lang dito sa loob?"

"Okay na ko dito sa labas."

Sungit.

Wala akong mapag-bilhan.

Kanina pa sya sa tapat.

Ano ba namang klaseng buhay naman 'to.

Buti pa si Haruma kahapon, dumagsa na yata ang bibili.

O dahil kay Keito?

Basta. Ayos kahapon.

Ngayon, maski langaw, natatakot bumisita dito.

"Ang sungit ng aura mo. Walang gustong bumili--"

"Mariel!"

HALALALALALALALA...

Si Miura na gwapong gwapong nakaT-shirt at pants lang. 

Uwaaaaaaaa.

Pwede maglaway?

Ang gwapo.

Shining sa aura.

Di tulad ni Yabu na parang pinagsukluban ng langit at impyerno.

"Ui Yabu, nandito ka pala."

"Ano namang ginagawa mo dito?"

"Binibisita si Yel."

Yel daw sabi ni Haruma.

Close na kami?

Akala ko, trip lang talaga nya dumaan dito dahil na rin may shooting sila ngayon.

Nagtitigan sila.

Ayuuuu.

LQ sila...

Ano na namang drama to?

Naguguluhan na ko sa mga bipolar na mga hapon na 'to.

"Mariel, may tinda ba kayong Lumpia? Yung kulay orange na chichirya."tanong ni Haruma.

"Meron. Sayo?"

Ngumiti sya.

Aaaaaaaaw.

Heaven~

My golaaaaaaaaaaaay!!!!

"Kay manager. Adik yun eh."

"Ilan?"

"Lima."

Ang taas naman ng butas.

Nangangawit na kili-kili ko.

May tumayo sa likod ko.

Ay salamat at may umabot.

Sinilip ko si Yabu sa labas.

Wala na sya?

Umalis na?

"Lima ba?"

Napalingon ako.

Ang lapit ng nunal nya.

Este ng mukha nya.

Yabu...

Nagbayad si Haruma kay Yabu.

"Saan ko ilalagay?"-Yabu

"Alin?"

"Yung puso ko."

Tae.

Yung puso daw nya.

Hihimatayin na ko dito.

"Etong bayad ni Haruma! Ano ka ba?"

Kinuha nya yung kamay ko saka inilagay yung barya.

Naupo sya sa upuan.

"Bakit?"-ako

"Sabi mo, pumasok ako."

Napakamot ako ng ulo.

Ang labo talaga netong kawayan na 'to.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon