-Mariel POV-
Heaven.
Pwede na ba yang description sa sitwasyon ko ngayon?
Bukod sa ichiban ko...
Nandito silang lahat.
Hindi Mo pa naman ako kukunin, di ba?
Kamisama?
Nakaakbay sa kin si Chinen.
Parang may ka-table lang na chiks e.
Alam nyo yung careless?
Sila yun e.
Alam nyo kung saang mall kami?
SM North!
Jusme.
Kundi ba naman nagkalat ang mga fangirl sa lugar na 'to.
Kinalabit ako ni Daiki.
Ang lapit ng mukha nya.
Nahihilo na ko.
Ang gwapo nilang lahat.
Nasa McDonalds kami at kasalukuyang pinagti-tripan nila ako.
"Namimiss mo na si Yabu, no?"
Nang-aasar sya.
Obviously.
Buti nga, wala yun dito.
Kundi, kailangan ko na naman iposas ang puso ko.
"Yabu!" -Yamada
Nakatalikod kasi ako sa entrance.
Nakaupo si Yamada sa harap ko.
Napalingon ako.
Nagtawanan ang mga ungas.
Binubully ako ng fandom ko.
"Ang sama nyo!"
Walang Yabu pagkalingon ko.
"Haha. Ang sarap pagtripan neto." -Daiki na halos di na makahinga kakatawa.
Pag namatay mga ichiban nyo, hindi ako may kasalanan.
Hay naku.
Buhay parang life.
Wala si Yabu.
Tulala si Hikaru.
Kinalabit ko si Chinen.
Itinuro ko si Hikaru.
"Hikaru... Nasaan ba si Yabu?" -Daiki
Nilingon kami ni Hikaru.
Kumuha ng fries sa tray.
Isinubo.
"Bumili ng gamit ng baby namin."
Ayan ang sagot nya habang ngumunguya.
Nagtawanan na naman ang mga kasama ko.
Pati ako.
Lakas trip e.
Ang tino ng tanong, biglang ganun ang sagot nya.
"Seryoso?" -Daiki
Ngumiti lang si Hikaru.
"Bakit hinahanap mo, Daiki? Namimiss mo na si Yabu, no?"
Ako yan.
Pang-resback.
Kala mo ah.
"Hoy! Hindi ah!"-Daiki
"Defensive na si Daiki." -Takaki
"Wag na kayo magtanong, defensive na." -Yuto
Nagtawanan kami.
Papadami na ang mga tao.
Anong oras pa ba kami dito?
Buti nga may napwestuhan kami.
Pwede daw ako mag-take out sabi ng mga boss.
Haha.
Ang gwpao talaga nila ngayon sa paningin ko.
Nanlibre na naman e.
"Yabu!" -Daiki
Tignan mo 'tong isang 'to, magti-trip na lang, copycat pa.
"Nagawa na ni Yamada yan, e."-Chii
"Taeng 'to, walang originality." -Takaki
Hindi nagsasalita yung mga kaharap namin.
Ano ba naman 'to?
"Hoy, Daiki! Bulok joke mo, iba naman!" -ako
"Anong joke na bulok?"
Napalingon ako.
Aray naman.
Hoy puso ko.
Balik ka.
Lumipad na din utak ko.
OMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!
Ang pinakagwapo, nandito na.
Yung puso ko, pakipulot.
"Guys, pakitaas paa nyo." -Keito
"Ha?" -Takaki
"Bakit?" -Inoo
"May nalaglagan ng puso." -Chii
Naghigh five sila ni Keito.
Ako ba pinariringgan ng dalawang 'to?
"Pakipulot naman yung puso ni Yel." -Yamada
Obviously.
Tumawa si Yuto pero nakataas talaga paa nilang lahat.
Pati si Hikaru na nakasabit ang fries sa bibig.
"Dumating ka!" -Kei
"Syempre, malakas ka sa kin eh." -Yabu habang busy sa pagtanggal ng kamay ni Chii sa balikat ko.
Walang usap usap na nag-make way ang mga kasama ko.
Ibinebenta na nila ko.
Tumabi sa akin si Yabu.
Lumipat si Chinen sa pagitan ni Yamada at Yuto.
Ah!
May naalala ako.
Nilingon ko si Yabu.
Ano na nga sasabihin ko?
Isip.
Isip Yel.
Pano na nga mag-isip?
Nakaka-distract talaga 'tong matangkad na 'to.
Lunok.
One...
Two...
"Ah... Y--"
"Si Yabu yun di ba?"
Panis.
May nag-cut ng sasabihin ko.
Makakalimutan ko na naman yun.
Nagkatinginan silang mga lalaki.
Sumenyas si Hikaru ng 'patay'.
Teka. Sino ba yung abala na yun?
Kakadating lang ni Yabu e.
Kakatabi lang sa kin.
Alam nyo yung panira ng moment?
Grrrr.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...