-Yabu POV-
"Sabi nya, 'no'?"sabi ni Inoo habang nakaupo sa swivel chair na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Magkakaganyan ba yan kung um-oo si Yel?"-Daiki
Nasa Cebu pa rin kami.
"Tsk. Tsk."
Ayoko munang makita tong maiingay na 'to ngayon pero di inaasahang ang tahimik nila mula nang malaman ang sagot ni Yel sa akin halos ngayon lang sila nag-react.
"Don't worry, Kouchan-babes, di kita iiwan."-Hikaru saka inakap ako.
Landi neto. Kita na ngang nababadtrip na ko, akap pa nang akap. Pero parang wala naman akong lakas para alisin pa ang kamay nya. Hindi na lang ako nagsalita. Wala ako sa mood patulan sila.
"Nandito naman kami--"-Yuto
"Urusai!!"
Natahimik sila habang yung iba ay mukhang nag-iisip.
"Hindi kaya 'to may connect dun sa nangyari noon?"-Chii
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ah!"-Ryuu
"Boku ni wa---"-Yamada
"So... Kasalan din ni Yabu."-Keito
Nangyari noon na kasalanan ko? Ako ang may kasalanan kung bakit di tinanggap ni Yel ang proposal ko?
"Ay naalala ko na!"-Takaki "Si Yabu talaga ang may kasalanan."
Lalong napakunot ang noo ko.
Napabangon ako sa kama.
Kung alam ni Takaki at hindi ko alam...
Mas slow ako kay Takaki?
Napailing si Hikaru.
"Yabu... yun lang ang nag-iisang dahilan kung bakit kilala naming lahat si Yel."-Sungki
Nag-iisang dahilan kung bakit nila kilala si Yel?
Isip...
Isip...
"AAAAAAAAH!!!!! Ano ba kasi yun? Bakit pinag-iisip nyo pa ko? Kita na ngang basted ako, pinag-iisip pa ko."
"Kasi binasted mo din si Yel noon."-Chinen
Binasted?
"Yun lang pala!"-Takaki
Napatingin ako sa kanya.
"Akala ko ba kanina, ako may kasalanan tapos hindi mo naman pala alam ang pinag-uusapan?!"
Pasuntok na ko nang magsalita si Inoo.
"Ako na."sabi nya saka binatukan si Takaki.
"ARAAAAAAAY!!!!"
Sakit siguro sa ulo nun.
"Salamat."sabi ko.
"Anong balak mong gawin?"-Yuto
"Hindi ko naman sya kilala noong bigla syang nag-propose tapos kasalanan ko? Unfair naman yata yun. Pagkatapos nyang magsabi ng 'I love you too', tatanggihan nya yung proposal ko?"
"Wow Yabu ha. E kung si Hikaru nga, basted din sa proposal kay Takei kahit na lovey-dovey ever silang---"
"Inoo, manahimik ka muna sandali. Sumasakit ang ngipin ko sayo."-Hikaru
"Ano na nga ang plano mo?"-Yamada
"Hindi kayo kasali."-ako
Ayoko nga silang isama sa plano ko. Mamaya, lalong di na tanggapin nung babaeng maliit na yun yung proposal ko.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...