Traffic 20

93 1 0
                                    

-Chinen POV-   

Nawawala sila Keito.

Ayaw makipaglaro ni Yamachan.

Inaantok pa daw sya.

Kasalanan ko bang maglaro sya ng Tekken hanggang 4AM?

Pumasok ako sa kwarto nila Inoo.

Si Daiki tinatakot ang sarili sa panonood ng horror.

"Daiki... Nakita mo sila Keito?"

"Baka nasa Carlos."

Saan yun?

"Inoo-kun... Nasaan si Yabu-kun?"

"Hindi pa bumabalik."sagot nya habang nakakunot ang noo at naglilinya.

"Daiki... Saan yung Carlos?"

Wala akong maabala. 

Busy sila lahat.

Sana magpakita naman sakin si Justin Bieber.

E di wag.

Sabi ko nga, imposible.

"Dun sa pinagbilhan ni Keito ng uling."

Tamakbo ako sa labas.

Kainit.

Masisira ang cute face ko.

Diretso sa bilihan ng uling.

Nagpa-autograph pa si Mariel bago ituro sa akin sila Takaki.

Si Mariel nga pala yung isa sa mga babae na nakakaalam na may account kaming mga gwapo sa net.

Bawal kasi yun.

Masungit yung matanda. Ayaw nyang may iba kaming nakakasalamuhang fan.

Ayaw nya pa na free-advertising din yun. Palibhasa problemado sa iba pa nyang idol group.

Takbo ulit ako sa computer shop.

Dyaraaaaaan!!

Ayan na si Keito. May bitbit na laptop.

"Takaki, akala ko ba, ipapagawa natin 'to? Naupo ka na naman sa harap ng Ragnarok mo."-Keito

"Keito, tumahimik ka naman. Para ka nang si Inoo. May dalaw ka na din? Dalin mo muna yan dun sa chiks mo baka sakaling may solusyon sya--- SHEEEEET!!! Lumayo kaaaaaa!!!!"

Walang kurap si Takaki sa game nya habang sinesermunan si Keito.

"Keeeeiiitoooo... Busy kayo?"

"Ah.. Chii. Dito ka muna. Itali mo si Takaki."

Lumayas na si Keito.

Iniwan na naman nila ako.

"Wui Takaki..."

Hindi nya ko pinapansin.

Minumura nya yung mumu na pumapatay sa character nya.

Isip ng dahilan para mapatigil mo sya.

Inoo Kei...

"Takaki, may ibinilin ba sayo si Inoo kanina?"

Napatigil sya sa pagpindot.

Tumingin sya sa akin.

Patay na si character.

Wo-ho-ho-ho.

"Meron ba?"

"Ewan ko."

Nagtext si Takaki.

"Wala."sabi nya. "Sumunod na nga tayo kay Keito. Baka gawa na ang precious laptop my love ko."

YAAAAAY!!!

Bumalik na nga kami dun sa tindahang mini. Kasing mini ng nagtitinda.

Waah. May kasama na syang babae.

Gumagana na din yung laptop ni Takaki.

At...

At home si Keito.

Ilang beses na sila pumunta dito?

Ni hindi man lang ako isinama. E di sana, di din ako nabo-bore doon sa tabi ni Yamada.

"Uy Keito! OJT ka dito?"

Napalingon ako sa labas.

What the frog?!

Si Haruma.

Anong meron dito?

"Mariel, may shooting ulit kami bukas dito."-Miura

"Basta ba wag ka ditong tatakbo sa bahay. Baka mag-peace ako sa camera."-Mariel

Close sila?

May di ba ko alam dito?

Nagtanong pa ko.

Halata namang sobrang dami kong na-miss.

"Wala kang kasama?"tanong ni Mariel.

"Wala. Masakit ulo ni Hikaru at Yabu."natatawang sabi ni Miura.

Magkasama nga yung dalawa?

"Mariel, pwede ba kong makitulog dito sa inyo?"

Napatigil ako.

Ano na nga ulit yung sinabi ko?

Ewan. Basta ang alam ko... Di ko feel na kausap nya si Miura Haruma.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon