Traffic 65

79 3 0
                                    

-Keito POV-

"Araaaaay!!!"sigaw ko nang hawiin ni Yabu ang mukha ko.

Kulang na lang talaga murahin ko sya. Ansakit kaya nung pagkakahawi nya sa mukha ko.

Hindi lang ako ang nakaharang sa daraanan nya. Pati si Yuto at Yamada, nakaharang na rin. Pero nasapak din sila.

Pero sabagay, kasalanan naman ito ni Yamada. Sukat sabihin kay Yabu na nakita nya si Yel sa airport bago sya pick-up-in ni manager. Ayan, mukhang di na namin mapipigilan si Yabu kahit na sabihin naming wala na si Yel sa airport dahil kanina pa yun.

Kahit pa sinabi ni Hikaru na wag paaalisin si Yabu.

"Nasaan na ba si Hikaru?"tanong ko kay Daiki.

"Susunduin daw yung kapatid nya at baka maligaw na."sagot nya.

"Yung cute?"tanong ni Takaki.

"Para mo na ring sinabi na cute si Hikaru."-Inoo

"Neee... Di ba, malapit lang yun? Bakit ang tagal yata ni--- Araaaaay!!! Yabu naman, pati ako, nadadamay."sabi ni Chii na mukhang tinamaan ng siko ni Yabu.

"Ah. Sorry."sabi lang nya saka nagwala ulit. "Paalisin nyo ako!! Pupuntahan ko si Yeeeeeeeel!"

"Wala na sya sa airport. Ulit-ulit? Unli lang?"-Yamada

"Naka-line ako!!"

May gana pa syang mag-joke. Ibig sabihin, gusto lang nya talagang manakit.

"Bakit ang tagal ni Hikaru? Aalis na ko!!!"

"Sinundo yung kapatid nya. Antayin daw sya."-Takaki

"Kapatid?"

Napalingon kaming lahat sa pintuan ng silid.

Si Hikaru.

"Yuck lang, Hikaru. Kung magkakaroon ako ng kapatid, pwede bang si Inoo na lang? Di naman nagkakalayo ang brainwaves namin, though, malayo ang kagandahan level nya, pwede na si Daiki, tutal pareho kaming may genes na cute."

"Yeeeeel!!!"sigaw naming lahat.

Pinakamalakas ang sigaw ni Yabu saka tumakbo kaagad palapit kay Yel.

Tumakbo naman si Yel palapit kay Inoo.

Habulan ang mga bata. Si Yabu, batang isip.

"Congratulations sa pag-graduate!"bati ni Yel kay Inoo.

Ngumiti lang si Inoo. Alam nya siguro ang level ng kainitan ng ulo ni Yabu kaya kahit gusto nyang mag-fan service ay nginitian lang nya si Yel.

"Gaaad. Ngiti mo palang, sulit na sulit na ang pagbubuhat ko ng maleta at backpack!"

Natawa ako.

Grabe tong si Yel, di ba pwedeng isaisip na lang nya yun at mukhang selos na selos na ang tunay nyang kareshi?

-Yel POV-

Kanina pa kami magkasama ni Hikaru. Mga two hours na siguro. Pero hindi pa rin ako ma-inlove sa kanya. Kakaloka. Hindi ko naman pala pwedeng kausapin si Yabu, isinama pa ko dito. Minsan talaga, di ko malaman ang iniisip nitong sungki na 'to.

Napabuntong hininga ako.

"Baka malasin ang concert namin!! Pang-ilan na yan?"sita sa akin ni Hikaru.

"Mga sampu na."sagot ko.

Nakaupo sya sa harap ko at medyo lumapit sya sa akin. "Yel, ipinaliwanag ko na sayo di ba?"

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon