Traffic 15.5

114 3 0
                                    

-Takaki POV-

Bawal kumain ng chips habang may hawak na laptop.

Bawal manood ng porn.

Bawal malikot sa kama.

Kung ako ang mag-aasawa, hindi si Inoo Kei ang pakakasalan ko.

Gusto kong magmura.

Di ko pa na-save yung Ragnarok ko.

Nag-overheat yung laptop ko.

Di alam kung napundi yung laptop ko sa pagbubunganga ni Inoo o dahil sa kulit nitong mga kamoteng 'to na walang ginawa kundi abalahin ang tulog ko.

Pinabalik ako ni Keito dahil daw sa ipalo-laudry.

Kakaisip ko ng game para maibalik yung level ko, nakalimutan ko na ang ibinilin ni Kei kagabi.

Well, bukod pa yung basura.

Every other day kasi ang paglilinis dito. Well, para di masyadong abala sa guests at... pagtitipid.

Laging nandito yung apat kaya laging makalat.

Ako ang nakatokang mag-tapon ng basura ngayong araw at di ko iyon nagawa.

"Ano ka ba naman kasi Takaki? Tama ba naman kasing isama mo yang naisuot mo na sa malinis mong damit?"

"Eh mabango pa rin naman yung damit kahit hinubad ko na!"

Totoo namang mabango pa rin yun kahit hinubad ko na.

"Pero marumi na yun! May pawis mo pa!"

"Excuse me, mabango ang pawis ko."

"Pero pag nakatambak, bumabaho. Inihahawa mo pa yung iba mong damit. At yung basura, ipinatapon ko na yun kagabi. Anong ginawa mo?! Iniyakan mo yung laptop mong nag-overheat."

Utang na loob. 

Ang tenga ko.

Wala bang magliligtas sa akin?

Shaider, Mask Rider, Black Rider, Voltes V, o kahit si Mojacko, makatakas lang ako sa halimaw na 'to. 

Kailangan ko ng shampoo, timba at tabo.

Kulang na lang, ligo. Sabon na sabon na ko ng inahing manok na 'to.

"Buntis, banlaw ka na!" -Yamada

Isa pa yang, buntis issue na yan.

Talaga bang malaki tsan ko?

Napatingin ako sa tsan ko.

O di hindi na nga ako nagtanong.

Nagsusumigaw na 'OBVIOUS BA?!' nung yumuko ako.

Masarap kumain.

Masarap magpuyat.

Masarap matulog buong araw.

Kesa kasing sexy ni Yabu.

Si Yabu na nakanganga pagkaalis ko. Ano na kaya nangyari dun?

"Hoy Bakaki..."

Hindi naman ako BAKA.

Sadyang absorbed lang ako pag naglalaro ako ng computer games. Nag-a-analyze din ako kung pano ko mapapatay yung kalaban. Strategy.

Pagkatapos kong mai-ayos lahat, ibinigay ko kay Inoo ang plastic na puno ng marumi kong damit.

"Yung basura!"

Meron siguro sya ngayon.

Ay, lalaki nga pala sya.

Baka basted.

Ang ganda kasi eh.

Sinong babae ang magbo-boyfriend ng mas maganda pa sa kanya?

Kinuha ko ang basura. 

Lumabas. 

Yung game ko. Bakit nga ba kay Keito ko pinagawa yun?

Balik ako sa computer shop.

Nakatabi si Keito dun sa bata na nasa likod ko kanina.

"Hoy Okamoto, ano na nangyari sa game?"

"Ha?"

Tumawa muna sya.

"I-pause mo muna."sabi nito sa kasama. "Level 74."

"Haaaaaaa?!"

Sinasabi ko na nga ba.

Ilang gabi kong pinuyat yun, minuto lang yata nyang naibalik yung level ko. May plus 2 level pang advance.

*Badword*

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon