Traffic 13

101 3 0
                                    

-Mariel POV-

'Mag-upload ka na! Nakita kita kahapon sa show.'

Naka-post sa wall ko.

Ang daming comment.

'Grand entrance kasi. May kasamang boys.'

'Nakita mo din?'

'Eh gwapo nung kasama kahit naka-shades.'

'Baka nakasabay lang sa pagpasok?'

'Kausap nya eh.'

'Lahat naman kinakausap nya.'

'Ikaw, Yel ha. May ipinalit ka na kay Yabu Hiproll?'

'May kausap lang na macho, pinalitan agad si Yabu? Yung totoo, PBB Teens?'

'Sorry, guys.'

At may mga susunod pang comment. Nagmukhang forum ang post.

Aning talaga ng mga 'to.

Ang daming topic sa iisang post.

Nasa computer shop ako.

'Four members na lang daw ang NewS? Eh di ako na. Ayoko sanang magpost. Puro Kyoudai nakikita ko, nag-exam ako kahapon. Ako na bitter. Baka masaksak ko lang kayo.'

Status ng isang baliw.

Isinaksak ko na ang digicam ko.

Select all.

Upload.

Twitter naman.

Buti na lang, di Saturday ngayon.

Nakakasipag mag-upload habang nagti-twitter.

Puro mention sa akin?

'Pakilala mo naman kami sa mga kasama mo!!'

'Syet ano pangalan nyang naka-shorts?'

Di man lang ako kinumusta kung naapakan ba ko sa pagsingit.

'Ang gwapo ni Shoon at Reon kahapon.'

Tweet ko.

Ayan lang masasabi ko.

'At si Taiyou pa pala.'

PT: Pahabol Tweet.

'At si Kou---

Di ko na itinuloy.

Baka bulabugin na naman ako ng mga 'to.

Medyo kaunti lang yung ina-upload ko. Nasa 200 lang yata.

Nakakatamad kasing mag-picture. Mas masarap titigan sila Shoon. Well, kahit saglit lang ang performance ni Taiyou, may picture pa rin sa camera ko.

Biglang nawala sila Keito at Daiki kahapon.

Sabagay, pagkakanta ni Yabu at Hika ng Yuuki 100%, nawala na din yung makulit na boses sa speaker.

100% Uploaded.

Ang bilis ng internet ngayon.

Ang saya ko.

Publish.

One...

Two...

Three...

Parang kaluluwang nagsulputan ang mga notification sa kaliwang side ng screen ko.

"Bakit may picture nila--- aaaay sheteng kalbo!!!"

Nagmamadaling binuksan ko ang album pagkatapos kong basahin ang isang comment.

Isip ng dahilan, Mariel.

Magaling ka.

Kaya mo yan.

Naisama ko yung picture namin nila Keito sa tindahan.

Ano ba naman yan.

Kakashunga naman kasi.

Hingang malalim.

Type.

Type.

'ADOBO POCKYSHOP!'

Comment ko.

'Galeng!'

'The best 'to. Nakakapeke.'

'Paturo! Pano ba yan?'

'Ang galing talaga...'

Nakahinga ako ng maluwag.

Buburahin ko ba?

Baka maghinala sila pag binura ko.

Wag na.

Hayaan na lang yan.

Pero...

'Eh ganito yung suot nung lalaking kasama ni Yel kahapon!!!!'

Comment ng isa.

Halamoooooo!!!!

Binura ko kaagad yung picture.

Pusang gala namang buhay 'to. Bakit ba kasi ang macho mo, Keito at kitang kita ng madlang people?

'Baka magalit sila kuya pinalitan ko pagmumukha nila.'

Status ko.

Ligtas ulit.

Haaaaay.

Bakit ang bright ng mga fangirls ngayon? Masyadong observative. Samantalang ako, nakihiga na sa balikat ko...

Nakakabitter.

"Kuya pa-extend!!!!"

Napalingon ako sa sumigaw.

Di ko talaga ugali ang pagtingin kung saan pero iba talaga yung hatak pag may boses anime kang narinig.

And behold...

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon