-Keito Okamoto POV-
"Kuya mukhang flat yung gulong nito..." -Yuto
"Nasan si Yabu?" -Daiki
"San ba talaga tayo pupunta?" -Yamada
"Ang ingay nyo, natutulog ako." -Takaki
"Buntis ka ba? Tulog ka nang tulog." -Inoo
"Ang ineeeeeet! Bukas ba yung aircon?" -Chii
"Kaingay nyo." -Hikaru
Tumahimik yung anim. Pero umingay ulit.
Masakit na ulo ko.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Kanya-kanyang pwesto sa loob ng van.
Bumaba si kuyang driver.
Sinilip siguro yung gulong.
Nakita ko nang flat yung kaliwa sa likod kanina, tinatamad lang ako magsalita.
Masikip na kalsada.
Ganito ba talaga dito?
Sabagay, may ganitong daan din naman sa Japan.
Galing kaming Hong Kong. Nag-ninja si Yabu. Umalis pagkakuha ni kuya ng maleta namin.
Kahapon pa sya wala. Pero susunod daw sya ngayon. May nakita daw kasi syang kaibigan.
"Keito... bumili ka daw ng uling." -Inoo
"Di uling yung van?" -Chii
"Baka. Di ka nakikinig kanina? Magiihaw tayo mamaya." -Yama
Binuksan ko ang kamay ko sa mukha ni Inoo.
Ayoko nang makipagtalo. Masakit talaga ulo ko.
Binigyan nila ako ng isang daan.
"Magtanong ka na din daw ng malapit na vulcanizing shop." -Takaki
"Malapit nang dumilim. Keito bili na." -Daiki
"Ang daldal nyo kasi."
Lumabas na ko ng van.
Suot ang shades.
"Ate saan may tindang uling?"tanong ko kay ateng nasa kaininan sa tabi mismo ng kalsada.
Tinitigan nya ko.
"Uling?"
"Opo."
Tumayo sya. "Sa likod."
Tumingala ako.
Tower pala yun. May bahayan sa ilalim ng tower? Sabagay, kanina ko pa nakikitang may mga batang pabalik-balik doon.
Pumasok ako.
Isang sako ng uling sa pintuan. At mini tindahan. May batang nagbabantay...
"Magkano sa uling nyo?"
"Syete po."sagot nya nang di inaalis yung mata sa cellphone na hawak.
Ang onti ng uling na naka-plastic.
"Sampu."
Tumayo sya. Saka tumingin sakin.
"Mama!!! Tig-seventy na uling daw! May malaki ba tayong plastic? Saglit lang kuya."
Pumasok ito sa loob.
Mamaya ay lumabas na ulit sya.
Ang cute.
Mini-size.
May mas maliit pa pala kay Chii.
Inilagay nya sa mas malaking plastic ang binili ko.
Inabot ko sa kanya yung isang daan.
"Barya... Barya..."chant nya habang binubuksan ang isang maliit na cabinet. "Mama!! May barya ka ba sa one hundred?"
"Wala."sagot ng nasa loob.
"Trenta, meron ka?"
Pumasok ulit sya.
"Keitooooooo! Hayaku!!!"
Nilingon ko si Chinen na naka-shades at sumbrero. Nakasunod pala sa kin.
"Yung sukli nga. Inaantay ko pa."
"May nahanap na kaming gagawa ng gulong. Dali na! Wag mo nang kunin yung sukli."
"Miss keep the change!"sigaw ko dahil hinahatak na ko ni Chii.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...