Traffic 32

87 2 0
                                    

-Mariel POV-

'Sabi nila may nakakita kay Yabu Kota sa SM North.'

Status ng isa kong friend.

As usual tambay ako sa Facebook.

Gusto kong mag-ingay kaya lang baka mapagtripan ako.

Open comments...

'Sila ba yung tumatakbo nung nakaraan?'

'Kala ko mga gwapong nagti-trip lang.'

'Seryoso 'to?'

'Kasama ba nila si Ryu?'

'9 lang yata sila sabi nung mga nakakita.'

'Tatlo lang kaya nakita kong tumakbo.'

Napasimangot ako sa huling comment na nabasa ko.

'So, di pa pala umuuwi si Yabu at Hikaru from concert ng Cielbleu?'

May galing-galingan na naman.

E di ikaw na nagbunyag ng secret ng concert.

Badtrip.

Galing talagang storyteller ng mga bruhang 'to.

In One...

Two...

Three...

Nagsunud-sunod na ang mga comments.

Mga exaggerated na comment.

Nakisali na ko.

'Baka naman boy group lang dito sa 'Pinas, mukha lang JUMP.'

Ayan comment ko.

Refesh.

Like.

Like.

Like.

Mention.

'Yel, sana JUMP nga 'no?'

Hindi na ko nagreply.

Tambay ulit sa home.

Basa ng status...

'Nakita ko si Yel kahapon, may ka-date sa McDo.'

"AAAAAY SHEMAY!"

"Ano ba yan?"

Si mama.

"Wala."sagot ko na lang.

May nag-PM sa akin.

'Mayeeeeeel. San natin itatago ang tsan ni Takaki?'

Si Airi.

Buti pa si Airi.

Nakapagpa-picture na at nakapagpa-autograph, wala pa ring pinagsasabihan.

Samantalang 'tong mga babaitang tao sa FB, nakita lang na tumatakbo sa SM North, kung magkagulo...

Tsk.

Hindi naman sana kami tumakbo.

Nakapag-Timezone pa nga kami.

Libre nila ulit.

Haha.

'Hoy Kota, kelan ka pupunta dito?'

Status ko.

Half meant.

Mula nung tangkang mag-sleepover sila ni Chinen...

Hindi na naulit na tulungan nya akong mag-tinda.

Lumabas si mama.

May shooting yata ulit ngayon si Haruma sa labas.

Ang gulo e.

Tapos ang dami ding babae na hindi naman yata taga-rito.

"Pabili po, sampung lumpia."

Napatingin ako sa bumibili.

Chusa.

Hindi si Haruma.

Pag lumpia ang bibilhin, Haruma agad?

"Natulala na naman. Gano ba ko kagwapo at lagi kang natutulala pag nakikita ako?"

"Bibili ka ba?"

Hindi na naman normal tibok ng puso ko.

Ngumiti si Kota Yabu walang mata.

Pwede bang mag-fangirl scream sa harap nya?

Pumasok sya sa loob.

Daig si Keito sa pagka-at home.

E di wala na nga akong pinag-compare-an.

"Ang daming babae sa labas. Fans ni Miura."

Parang init na init na sabi nya.

Naka-cap sya saka naka-shades.

"Ah.. Kou-chan--"

Tumingin sya sa akin.

Patay.

Pwedeng pakilibing ang katawang fangirl ko?

"Di ba sinabi ko na sa 'yo noon na wag mo kong tawaging 'Kou-chan'?!"

Ano ba yan.

Di pa kami, LQ na kaagad.

Ano bang masama sa pagtawag ng nickname?

Wala naman sya sa Japan.

Nakaka-awkward na tawagin sya sa apelyido nya.

Teka nga.

Bakit ba naisip ko na LQ 'to?

"Hoy Kuyang matangkad, wala ka sa Japan."

Pagdadahilan ko.

May gumagana pa naman palang cell sa utak ko.

Ipagpatuloy mo lang yan, brain--

Tinitigan nya ko.

Katulad nung titig nya sa poster sa kwarto ko.

Madayaaaaaaaaa.

Iniwan na naman akong mag-isa ng puso at isip ko.

Kelangan kong mag-sungit.

Uy brain, balik ka na.

"Wag kang tumingin ng ganyan kung ayaw mong magtawag ako ng fans ni Miura at ipahabol ka."

Hindi pa rin nya tinatanggal ang tingin nya.

'Ano gagawin ko?'

Tulungan nyo ko.

Uwaaaaaa.

Malulusaw na ko dito.

Keri yan, Mariel.

Hingang malalim.

"Mga kapitbahay! Nandito si Yab---"

May tumakip sa bibig ko.

Pwede magmura?

KYAAAAAAAAAA.

Hindi ako makakilos.

May tumakip din sa mata ko.

HALAMOOOOOO...

Wala na kong kaluluwa.

Bakit Kota?

Ang hirap mo naman ispelengin eh.

"Ay grabe."

"Wew."

"Ang bilis ni Yabu."

"Wala pa yatang fifteen minutes may ganyan na?"

Hala.

Boses lang naririnig ko.

Sino ba yun?

Bakit may audience?

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Kotaaaaaaaaaaa.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon