-Hikaru POV-
"Bakit aburido yan?"bulong ko kay Keito.
Nilingon ni Keito si Yabu na mukhang sobrang badtrip. Walang gustong lumapit sa kanya.
"Ewan ko."sagot nya.
Umalis nga pala si Keito kanina. Hindi sya 'IN' parang ako.
Nilapitan ko si Inoo.
"Ano meron?"
"Ha?"
Nilingon nya si Yabu.
"Yan ba? Sabi ko, bawal gumamit ng cellphone during breaks. Ayos ba?"nakangising sabi nya.
Pag biglang nagwala yang si Kouchan, kasalanan talaga ni Inoo.
Kaya pala napansin kong patago magtext si Yuto kanina. Sino kaya textmate nun?
"Hindi pa ba 'to tapos?"naaasar na tanong ni Yabu.
Nagkatinginan kaming lahat pero walang sumagot sa kanya.
"Siopao, may candy ka?"mamaya ay tanong ni Takaki.
"Hindi ako siopao. Si Gori tanungin mo."
"Hindi ako si Gori!!!"
"May itinuro ba ko? Ikaw naman, masyado mong sinasalo ang role na Gorilla."
"Nanghihingi lang ako ng candy--"
"Manahimik nga kayo! Ayusin na to nang matapos na!"-Yabu
Natahimik kaming lahat pero walang nakinig sa kanya.
"Neh, Hikaru, girlfriend mo daw 'to?"may pinakitang picture sa akin si Chinen.
Yung babaeng sungki na nadaanan ko sa Disney Land.
"Mali! Ito ang girlfriend nya!"sabi ni Daiki na may ipinakitang picture.
Yung babaeng... san nga ba to? Basta yung tunog sasakyan yung pangalan nya.
Napailing ako.
Ganito ba kadami ang babaeng nalilink sa akin? Alam kong gwapo ako pero---
"Hindi ka gwapo."-Yabu
"Sungki ka."-Daiki
"Natutuwa lang sila sa sungki mong ngipin."-Takaki
Pano naman nila nalaman ang iniisip ko?
"Leche, naririnig ka namin. Anong iniisip? SINASABI MO!"-Inoo
"Sino nga girlfriend mo? Ito o ito?"-Ryuu
Tinitigan ko ang mga litrato.
"Saan nyo naman nakuha yan?"
"Internet."-Yuto
"It's magical."-Keito
Napaisip ako bigla.
"Ah! Kaya pala lagi akong inaaway ni Em---"
Napatingin silang lahat sa akin.
"E Manager-san!"tuloy ko.
Awkward.
Walang naniwala sa palusot ko.
"Binata na si Hikaru."sabi ni Inoo.
Nakangiti na si Yabu. "Congrats, pare."sabi nya saka tinapik-tapik ang balikat ko na parang malapit na syang mag-bestman sa kasal ko.
Asa naman silang imbitahin ko sila sa kasal ko. Di bale na lang.
Bakit nga ba kasal na kaagad ang nasa isip ko? Kakasagot nga lang sa kin nung babaeng yun.
"Yucks, in love masyado si Hikaru."-Daiki
"Tignan nyo, nagliliwanag yung ulo nya!!!"-Chi
"Kinikilig mag-isa."-Ryuu
"Sa susunod, si Keito naman ang ihahanap natin ng babae!"-Yabu
"HAAAAI!!!"-sagot namin bukod kay Keito.
"Bakit ako?!"-Keito
"Sa Zoo ang next destination natin?"-Takaki
"Nice Takaki!"-Yamada
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...