a/n: erm... HI?
-Yel POV-
Napatingin ako sa inbox ng facebook ko.
'Anong meron?'tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang kulay pulang '1' na nasa itaas ng inbox.
Parang ayaw kong buksan na...
Wala.
Nabuksan ko na.
Kay Chinen galing.
Gamit ang wagas nyang ninja name.
Gwapong Cute.
'May stage play si Yabu. Ayaw nyang magpaabala. Nagsasawa na ko sa mukha ni Yamada.
Kelan ka pupunta dito? Excited na ko! ((PS. Mas cute talaga ko kay Yamada, di ba?))'
Ako?
Pupunta sa Japan?
E eto nga at di ko malaman kung pano gagawin ko sa tambak na assignment.
Teka...
Inulit kong basahin yung message.
Stage play?
Si Yabu?
STAGE PLAY?!
'Kelan? Saan? Bakit?'
Itatanong ko sana kay Chinen.
Binura ko rin agad.
Sa mga fangirls na lang ako makikibalita.
'Yabu... bakit di mo naman sinabi sakin na may stage play ka?'tanong ko sa maliit na Yabu sa utak ko.
Napabuntong hininga ako.
Malamang sa masama ang loob nun.
Alam nyang sasama ako tapos biglang mahahatak lang pala sya nang natutulog pabalik ng Japan.
'Mas mabuti na rin to.'
"Mas mabuti na rin ang alin?"
Nagulat ako.
Napalingon ako sa katabi ko.
Si Kuya.
Hindi ko sya sinagot.
Nailakas ko na pala yung tanong ng utak ko.
Gumawa ako ng bagong tab.
"Gusto ko ng sariling PC."sabi ko habang hinahanap ang ininstall kong photoshop.
Hindi nasalita yung kapatid ko.
Lumayas sya sa tabi ko.
Saka ako nagbukas ng sunud-sunod na tab. YouTube, Facebook, Twitter at yung mga site na may libreng view ng scans...
Ni Yabu.
Where are you?
Sa twitter meron.
Ang dami.
Nakakatamad magbasa ng tweet na Japanese...
Hinanap ko ang pangalan ni Yabu sa gitna ng mga kanji...
RETWEET.
Mamaya kita babasahin ng pantig-pantig.
"GYAAAAAA..."pabulong... di ako sure kung pabulong pa ba yung pagkakasabi ko dahil may hubad na Yabu!!!
Pukang amang buhay yan.
Bakit hubad asdfghjkl!!!!
Tumataba.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfic"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...