-Hikaru POV-
Humampas ang pintuan sa pader.
Pag nabasag yang pintuan, lagot kami sa may-ari ng hotel.
Si Yuto ang ibabayad namin.
Galing sya sa lobby.
Bilis tumakbo.
Actually, watcher namin sya.
Haha.
"May kasamang babae si Yabu!!!!"
Yan ang in-announce nya habang humihingal.
Napatayo ako at si Inoo.
Hindi naman sa tutol ako na may babaeng kasama si Yabu.
Gusto ko kasing makita.
Nagkatinginan kami ni Inoo.
Mukhang pareho naman kami ng iniisip.
Kasi, kaming dalawa din ang nagkasundo na pababain si Yuto para antayin si Yabu.
"Kilala mo yung kasama?" -Inoo habang hinahanap yung isa nyang tsinelas.
"Ewan. Maliit lang e. Sa isang hagdan ako dumaan kaya medyo malayo ako."
Nahiga na si Yuto sa kama.
Ang totoo, walang elevator sa hotel.
Nasa third floor kami.
Tapos pinatakbo namin si Yuto.
Napatingin ako sa bintana.
Bingo!
Si Yabu nga.
May kasamang chiks.
Pahihiramin ko na sana ng tsinelas si Inoo nang may maalala ako.
Sinecond look ko sila Yabu.
Di ko na sila makita.
Si Chinen na lang nakita ko.
Kinawayan nya ako.
Dalawang kamay.
Si Keito ay sumunod na lang sa nauunang si Daiki at Takaki.
Si Yamada ay naki-pose kay Chinen.
"Nakita din kita!"
Sigaw ni Inoo sa missing tsinelas nya.
Nagmamadaling lumabas kami.
Daan sa kabilang hagdan.
"Araaay! MY GAAAAAD naman Inoo Kei, ang ilong ko!"reklamo ko.
Nabangga kasi yung mukha ko sa likod nya.
Biglang nag-preno.
"Ang OA mo. Wag kang maingay."
"Pag nag-ingay ba ko, hahalikan mo ko? Parang sa mga movie--"
"Babangasin ko yang sungki mong ngipin!"naiinis na sabi nya sa kin.
Tumahimik na ko.
Baka kung ano pa gawin nya sa lucky charm kong pang-akit sa mga chiks.
Dumaan si Yabu.
May kasunod na bata.
Loko si Yuto.
Ma-spartan kick nga ng two times yung poste junior na yun.
"Walang kwenta."naiinis na bulong ni Inoo.
"Kei! Ano ginagawa mo dito?" -Daiki
"At ikaw din Hikaru..." -Keito
"May something something kayo?" -Takaki
Ang sama talaga ng bunganga nitong si Takaki.
"Selos na nyan si Takaki..." -Daiki
"Ano meron dito?"
Si Chinen, kakadating lang.
"Aaaaaaaaaaah~ Kapagod umakyat... Ano meron?"tanong ni Yamada nang maabutan kami.
"Tawagan nyo si Yuto!"nakangising sabi ko.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...