-Mariel POV-
Ang tahimik naman.
Facebook tayo.
'PUKANG AMA KOTAAAAAA. Nakadalawang kiss sya. Bale tatlo. May goodnight kiss pa. *___*'
Status ko.
Sarap mabuhay.
"Pabili po..."
Napatingin ako sa bata.
Masyadong maganda ang mood ko.
"Alin?"
"Yung ow-wench po."
Lumpia lang pala.
Balik sa Facebook.
Like.
Like.
Like.
Like.
Autolikers ba?
Comment.
Comment.
'Bagong drama?'
'Ano yan?'
'Kabaliwan.'
Reply ko sa kanilang lahat.
Ano ba.
Hanggang ngayon naman, kinikilig ako.
Nag-ring yung isang cellphone.
Si Keito.
"Hello?"
[Saglit lang Yabu! Makaagaw naman!]
May nagtawanan sa background.
Tumahimik nang kaunti.
[Hello...]
Doki-doki.
Boses palang.
Kinikilig pati split ends ko.
"Kota..."
[Makinig ka.]
Hindi ako sumagot.
Ang seryoso ng boses nya.
[Babalikan kita.]
Ha?
Ano meron?
Bakit babalikan?
[Yel...]
"Ha?"
[Babalik na kami ng Japan.]
Ginu-goodtime na naman ba ko nila?
"Joke ba yan?"
[Yel...]
Bumuntong hininga ako.
Fine.
Hindi na 'to joke.
Nakaka-cardiac arrest.
Naiiyak ako.
Parang may nakabarang bayabas sa lalamunan ko.
Hindi ako makahinga.
Singhot.
Kota Yabu...
[Yel... Babalik ako, okay?]
"Kota..."
[Wag kang umiyak.]
Umiiyak ako?
Pinahid ko ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...