-Haruma POV-
Miura Haruma...
Ang gwapo ng pangalan ko di ba? Kasalukuyan akong nasa Pilipinas para sa shooting ng bagong drama.
Ang sama lang, kakadating lang namin, nasiraan kaagad kami ng sasakyan.
Di ko alam kung mayaman ba talaga yung production, o tinitipid na nila kami sa mga services nila.
Di ko kasama si manager sa van.
Itinuro nila sa 'kin kung saan ako sasakay at bababa.
Hiwa-hiwalay na ang mga crew.
Free ako ngayong araw pero papagabi na.
Nasa Fairview pa daw yung nireserve nilang hotel para sa 'kin.
Mula sa van, sumakay ako sa pinakamalapit na bus na nakita ko.
Isang batang babae ang nakatigin sa akin.
"Miss papunta ba 'tong Fairview?"
Umiling sya.
Tumingin sa labas.
Akala ko ay ayaw na nya kong kausapin.
Lumingon sya ulit sa akin.
"Dun po sa kabila."
Itinuro nya ang isang bus.
Ngumiti ako.
"Arigatou."sabi ko saka nagmamadaling tumakbo sa kabilang bus.
Nakapayong pa rin ako.
Ayokong mabasa. Baka dumami ako. Hirap na, madaming magke-claim ng genes ko.
Pagkapasok ko sa bus ay nakatingin pa rin sya sa akin. Ngumiti ako saka ko sya kinawayan.
Ilang saglit pa ay nasa Fairview na ako. Kahit traffic.
Buti may AC sa nasakyan kong bus.
Kakaligo ko lang nang tumunog ang telepono sa kwarto.
"Sir, you have guests. Named, Shoon and Yabu."
"Sou... Arigatou.."
Nagmamadaling nagbihis ako.
Ba't nandito din yung dalawa?
Anong meron?
Akala ko ba, galing ng Hong Kong si Yabu.
"Ang bagal mo bumaba!!!"natatawang sabi ni Shoon.
"Inom na inom na ko. May drama ka daw?" -Yabu.
"Kakadating nyo lang, inom agad?"
"May iniisip kasing babae yang si Yabu." -Shoon
"Urusai!!"
Natawa ako.
Namumula na kasi si Yabu.
Malamang sa totoo ang sinabi ni Shoon.
"Underage ba yan? Ganito kalaki. Nagsusulat sa bus--"
"Teka bakit mo alam?!"-bulyaw sa akin ni Yabu.
Masakit na tenga ko. Kanina pa sya nakasigaw.
Saka dinescribe ko lang naman yung batang nagturo sa akin ng bus papunta dito.
"Bahala ka na nga sa buhay mo. Tanda mo na!"sabi ko.
"Painom ka na pare." -Shoon
"Hoy tumigil ka Shoon baka mapagkamalan kang underage."
"Matangkad lang kayo!"
"San tayo?" -Yabu
Lumakad kami.
Kahit saan.
Inuman din naman talaga ang tapos ng usapan na 'to.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...