-Shoon POV-
"Bakit nandito yan?"
Sinipa ko si Reon.
Masyadong usisero.
Nakita pala nya si Yabu sa kwarto ko.
Kakalabas ko lang.
Napasinghot ako.
Amoy alak na yata ako.
Inamoy ako ni Reon.
"Umiinom ba kayo?"
Inihampas ko sa kanya ang hawak kong tray.
"Sya lang. Mukha ba kong lasenggo?"
Tinitigan nya ko.
"Mas mukha kang babae."
Hinampas ko ulit sya ng tray.
Sa ulo na. Para matauhan na kuya nya ko.
"Wag kang papa-rape."bilin nya pagkatapos himasin ang ulo saka pumasok sa sariling kwarto.
"Baliw."
Bakit nga ba nandito si Yabu?
Hindi ko pa nga pala naitatanong kung bakit.
Susulpot na may dalang sandamakmak na alak.
Alcoholic na ba yun?
Bumalik ako sa kwarto nang may dalang chichirya.
"Yabu..."
Napangiwi ako nang abutin nya na ang pangatlo nyang beer.
Hindi sya sumagot. Binuksan lang nya yung beer saka uninom.
"Problema?"
"Hmmm?"
Umiling sya.
Sa akin pa talaga nagsinungaling.
Dinampot ko yung isang basyo ng beer saka ibinato sa kanya.
Sapul sa noo.
Bahala sya kung magkabukol sya.
Di ako pwedeng mapuyat.
May recording pa kami bukas.
"Si Hikaru..."
Wag mong sabihing nagkaka-developan na kayo ni Hikaru?
"Gago."
"Ano?"
"Sinabi mo yung iniisip mo. Sira ulo ka, sino naman nagsabi sayong nagkakadevelopan kami ng sungking yun?"
Binalibag ko ulit sya ng basyo ng beer.
Sapul ulit.
"Umayos ka kasi. Ano ba alam ko sa pinagdadaanan mo? May pa-beer beer ka pang nalalaman, pagkatapos ng panlima, tumba ka na."
Tumahimik sya.
"Babae?"
Tahimik pa rin.
"Tulog ka na ba?"
"Si Hikaru..."
Hikaru nang Hikaru.
Ano ba meron kay Hikaru?
Tumahimik muna ko.
Kung magiging sila, eh hindi na ko magtataka.
Kulang na nga lang, mag-live in sila.
"Gagong yun."
"Gago ka din. Di kita gets. Umuwi ka na sa inyo."
Tumahimik sya.
'Ano na?'
Nakakaawa naman kasi yung itsura neto.
Nagsalita sya ulit.
Napataas ang kilay ko.
Gusto kong tumawa na ewan na gusto ko syang bugbugin.
Hindi si Hikaru.
Si Yabu.
Sarap ibitin patiwarik.
Kundi lang to mas matangkad sa kin...
Tsk.
"Sinabi nya yun?"
Tumango si Yabu.
Parang batang nagsusumbong.
"Nasan sya ngayon?"
"Pilipinas."
Napangiwi ako. "Kaya pala mukha kang suicidal."
Natatawa na talaga ako sa itsura nya.
"AAAAAAH!! Pagtawanan mo pa ko."
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...