Traffic 40

75 0 0
                                    

-Yabu POV-

One week ago...

Nagpunta ako sa Waseda.

Ewan ko.

Pinatawag nila ako.

Hindi ko naman sila maintindihan kaya pumunta na ko.

Saan na nga ulit yun?

Lakad.

Lakad.

Naliligaw na yata ako.

Nasan na ba yun?

"Nandaaaaaaa?!"

Napalingon ako sa sumigaw.

Si Tegoshi?

Ano ginagawa nya dito?

May kasama.

Hindi ko maintindihan pinag-uusapan nila.

Itinutulak nila si Tego kungsaan.

Basta may pustahan.

Magtatanong sana ko.

Wala.

Lumiko na kaagad sila.

Lakad ulit.

AAAAAAAAAAAAAAAAH! SA WAKAS!

Nakita ko na din ang pintuan na hinahanap ko.

Ilang sandali pa...

Parang briefing lang pala.

Akala ko naman kung bakit ako ipinatawag.

Buti na lang, hindi pa kami busy.

Thirty minutes na.

Pati facilities ng school ipinaliwanag pa nila...

Di naman ako papasok.

Basta tumango lang ako nang tumango.

Pwede na yun.

Mamaya ay tapos na sya.

'Buti naman...'

Uuwi na muna ko.

Commute muna.

Magte-train ba ko pauwi?

O bus?

Train na lang.

Parang matao sa labas e.

Lumabas na ko sa mismong school.

Naglakad muna ko sa gilid ng kalsada.

Patapos na yung spring.

Pero parang malamig pa rin.

Umulan nga pala kanina.

"Jingle bells... jingle bells..."

Tatawa ba ko?

Pigilan ko muna.

Mamaya na lang pag nasa harap nya ako.

May nakatayo sa gilid ng kalsada.

Kumakanta ng Jingle Bells.

With action.

With bell.

With kembot.

Spring season.

Jingle Bells.

HAHAHAHA.

Ang lamig ngayong araw.

Naka-mini skirt at blouse na manipis lang sya.

Gusto ko nang tumawa.

Tumayo ako sa harap nya.

Hindi sya tumigil.

Nginisihan pa nya ako.

"Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one horse open sleigh HEY!"

AHAHAHAHAHAHAHA.

Di ko na talaga napigilan.

Di lang ako sa kanta natawa.

Pati sa itsura ni Tego.

"Pano ba matanggal yang sumpa sa 'yo?"natatawang tanong ko.

Napatigil sya sa pagkanta.

Ako din.

Napatigil sa pag-tawa.

Nagtagalog ako e.

Kamote.

Pano yan?

Nanlaki ang mata ni Tego.

"Bigyan mo lang ako ng 100 yen."

Ano ba yan.

Nagtatagalog din naman pala 'to.

Inabutan ko sya ng 100yen.

"Tetsuuuuuuuu!"

May lumabas na lalaki.

Ihinagis nya ang 100yen.

"Aaaaaah. Badtrip. First time ko natalo sa Janken."

Haha.

Janken lang pala.

"Pahiram ng coat mo."

Hinubad ko ang coat.

"Mabango ba yan?"

"Mapili ka pa."

Isinuot nya ang coat.

Malaki sa kanya.

"Parang girlfriend naman kita."

Inakbayan ko sya.

"Sira ulo. Pano ako pupunta sa match nito?"

"Ihahatid na kita."

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.

"Magco-commute ka."

"Pasundo ka kay Koyama-kun."

Ngumiti sya.

"Ang genius mo! Uwi na!"

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N: Bakit kaya nag-tatagalog si Tegoshi?

Ano ba malay ko?

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon